Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

CGSO, sinigurong nananatiling maayos ang operasyon ng sanitary landfill

by PIO Lucena/ Josa Cruzat April 2, 2021 Lucena City Sanitary Landfill ...

by PIO Lucena/ Josa Cruzat
April 2, 2021



CGSO, sinigurong nananatiling maayos ang operasyon ng sanitary landfill
Lucena City Sanitary Landfill





LUCENA CITY - Nananatiling maayos ang operasyon ng Lucena City Sanitary Landfill sa kasalukuyan. Ito ang tiniyak ng hepe ng City General Services Office na si Ms. Alyssa Mijares sa naging panayam rito.

Pahayag ni Mijares, sa kabila ng malaking epekto ng pandemyang dulot ng covid-19 sa pamumuhay ngayon, nananatili paring maayos ang pagpapatakbo ng kanilang tanggapan ng operasyon sa sanitary landfill dahil na rin sa tulong ng kooperatiba na itinatag ni Mayor Dondon Alcala.



Dagdag pa nito, naisasagawa parin aniya ang naturang operasyon dahil na rin sa palagiang ibinibigay ng lokal na pamahalaan ang mga kinakailangan nito katulad ng mga karagdagang equipments kagaya ng truck para sa koleksyon ng basura at karagdagang personnel para sa manpower.


Ngunit saad ni Mijares na mayroon paring nagiging pagsubok ang kanilang tanggapan lalo’t higit ang operasyon ng sanitary landfill at iyon ay ang pagdami ng mga mamamayan ng Lungsod.




Sa kabila ng nabanggit na pagsubok na ito pahayag ni Mijares ay mayroon namang nakakatuwang ang kanilang opisina maliban sa suporta ng lokal na pamahalaan at iyon ay mula sa nasyunal na ahensya kagaya na lamang ng Department of Labor and Employment na siyang nakikitang silver lining ng hepe mula sa pandemya.

Sa huli ay binigyang diin ni Mijares na maganda at may maayos na koordinasyon ang kabuuan ng General Services Office partikular na sa operasyon ng solid waste management hanggang sa operasyon ng sanitary landfill dahil aniya ito sa suportang kanilang natatanggap sa pamahalaang panlungsod sa pangunguna ni Mayor Dondon Alcala gayundin sa ibang nasyunal na ahensya.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.