by EJ Bagnes April 22, 2021 SK Chairperson Rafael Echano (Photo from from his FB) ...
April 22, 2021
SK Chairperson Rafael Echano (Photo from from his FB) |
LUCENA CITY - Matapos maging viral ang community pantry sa Maginhawa St. sa Quezon City, umabot na rin ito sa ibat-ibang parte ng buong bansa maging sa Lungsod ng Lucena.
Kamakailan ay ibat-ibang grupo na rin sa Lucena ang naglunsad ng nasabing kawanggawa kung saan ay nitong ika-20 ng Abril ay pinangunahan ng mga lider kabataan ng Barangay Dalahican ang sarili nilang ‘Community Pantry’ para sa kanilang mga kabarangay.
Ipinahayag ni SK Chairperson Rafael Echano, gaya ng adhikain ng ibang nagsasagawa ng programang ito ay nais lamang ng kanilang konseho ay makatulong sa kanilang mga kabarangay na kapos sa pambili ng kanilang pangangailangan sa pang araw-araw.
Sa pamamagitan aniya ng pagbabayanihang ito ay naipaparamdam nila sa mga residente ng kanilang lugar ang pagmamalasakit lalo na’t patuloy pa rin ang nararansang pandemya.
Kwento ni Echano, sa unang araw ng pagbubukas Community Pantry sa kanilang barangay ay naging maayos ito kung saan ay nasunod ang physical distancing ng mga nagtungo dito.
Sinabi rin nito, na magtutuloy-tuloy ang Community Pantry habang may mga taong bukas palad na tutulong sa nasabing kawanggawa kung saan ay balak din ng mga ito na ilibot ang nasabing pantry sa bawat purok upang mabigyan ang lahat na mga nangangailangan sa kanilang nasasakupan.
Samantala, naiiksa rin sa aktibidad na ito ang mga miyembro na ABKD at KKDAT Dalahican na nag-asiste upang mapanatili ang minimum health protocols sa mahigpit na ipinapatupd ng local Inter-Agency Task Force o IATF.
Lubos naman ang naging pasasalamat ni SK Chairman Rafael Echano sa mga taong nagpaabot ng tulong upang maisakatuparan ang Community Pantry para sa mamamayan ng barangay Dalahican.
Gaya aniya ng islogan na iniwan sa nasabing pantry “Magbigay na ayon sa kakayahan at Kumuha na ayon sa pangangailan”. (PIO Lucena)
No comments