by PIO Lucena/K.Monfero April 17, 2021 Lucena Disaster Risk Reduction Management O...
April 17, 2021
Lucena Disaster Risk Reduction Management Office na si Janet Gendrano (Photo from PIO - Lucena) |
LUCENA CITY - Ipinaliwanag ng hepe ng Lucena Disaster Risk Reduction Management Office na si Janet Gendrano ang mga aktibidad o gawain na kabilang sa essential travel sa programang Pag-Usapan Natin ni Arnel Avila kamakailan.
Ang pagpunta sa ibang bayan o lugar na sakop ng mas mataas na antas ng community Quarantine tulad ng Enhanced Community Quarantine o ECQ, Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ at General Community Quarantine o GCQ ay kinakailangang pang essential travel lang na ang ibig sabihin ay may importante lang na lalakarin o gagawin sa isang partikular na lugar.
Ayon kay Gendrano, dahil nasa panahon pa rin ng pandemya, ilan sa mga hindi napapanahong gawin sa pagpunta sa ibang bayan ay ang pagpunta sa mga selebrasyon o okasyon, pagbisita sa kamag-anak, at leisure acitivites tulad ng mga outing o pagpunta sa mga tourist destinations.
Gayunpaman, kung ang pagpunta sa ibang bayan ay sa kadahilanang kinakailangang magpagamot o magpaospital, pagbili ng pagkain, pagpunta sa bangko at iba pang mahahalagang gawain o may kinalaman sa essential goods at services ay pamamayagan naman ang mga ito.
Samantala, patuloy pa din naman ang pagpapa-alala ni Gendrano sa mga mamamayang Lucenahin na disiplina ang pairalin upang maging ligtas at makaiwas sa nakahahawang sakit na Covid-19.
No comments