Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

JODA ng lungsod, dumalo sa Anti-drug and Anti-terrorism Orientation

by PIO Lucena/K.Monfero April 17, 2021 Lucena City Anti-Drug Abuse Council Head Pr...

by PIO Lucena/K.Monfero
April 17, 2021


JODA ng lungsod, dumalo sa Anti-drug and Anti-terrorism Orientation
Lucena City Anti-Drug Abuse Council Head Pransya Malabanan (Photo from John Angelo L. Buñag)



LUCENA CITY - Nagsagawa ng Anti-Drug at Anti Terrorism orientation ang Lucena PNP na dinaluhan ng mga Jeepney Operators and Drivers Association (JODA).

Pinangunahan naman nila PSSG Ana Paral, SPO4 Allan De Ocampo at PLt. Delilah Tapulayan ang nasabing programa.



Sa nasabing oryentasyon, ibinahagi ni Lucena City Anti-Drug Abuse Council Head Pransya Malabanan ang mga masasamang epekto ng paggamit ng illegal na droga at kung paano nito maaapektuhan ang mga trabaho, pamilya at pamumuhay ng mga ito.

Kaugnay nito, nagbahagi rin naman si Kabataan Kontra Droga at Terorismo o KKDAT President John Angelo Bunag ng hindi magandang epekto ng terorismo.



Sinambit din nito ang kahalagahan ng mga jeepney driver sa pagpapahayag ng pag iwas at paglaban sa ilegal na droga at terorismo di lamang sa kabataan kundi sa buong pamayanan ng Lucena.

Kasabay naman ng nasabing oryentasyon ay namahagi rin naman ng stickers ang mga opisyales at ang ilan ay idinikit na rin sa mga pampasaherong jip kung saan nakalagay sa sa nasabing stickers ang mga impormasyon tungkol sa pag iwas sa ilegal na droga at terorismo.



Mayroon din aniyang nakatala dito na kung sakaling mayroon silang nakita na kahina-hinala ay maaaring tawagan ang CADAC AT Lucena PNP sa kanilang hotline na nakalagay din sa nasabing sticker.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.