Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Lucena City Public Market, binisita ng Quezon Provincial Police Office

by PIO Lucena/K.Monfero April 10, 2021 LUCENA CITY - Binisita ng Quezon Provincial Police Office ang Lucena City Public Market sa pangungun...

by PIO Lucena/K.Monfero
April 10, 2021


Lucena city public market, binisita ng Quezon Provincial Police Office



LUCENA CITY - Binisita ng Quezon Provincial Police Office ang Lucena City Public Market sa pangunguna ni Acting Provincial Director PCol Ericson D Dilag, kasama ang Chief of Police ng lungsod PLtCol Romulo Bong Albacea.

Ito ay upang tiyakin at obserbahan ang mahigpit na implementasyon ng safety health protocols kung saan mayroong one entry, one exit concept para aniya maiwasan ang pagtaas ng kaso ng Covid-19.



Inobserbahan din ng nasabing kwerpo ang mga namimili sa nasabing lugar kung sumusunod ang mga ito sa pagsusuot ng face mask at physical distancing upang maiwasan ang pagkakadikit-dikit dikit ng mga nagpupunta rito.

Ayon kay Albacea, nais lamang siguraduhin ng kanilang grupo na sumusunod ang mga mamamayan sa atas ng Inter-Agency Task Force o IATF upang maging ligtas ang mga mamamayang Lucenahin mula sa nakakahawang sakit.



Patuloy pa rin naman sa pagpapa-alala si Albacea sa mga Lucenahin na kung maaari ay mag-ingat at huwag nang lumabas ng kanilang mga tahanan kung walang imortanteng pupuntahan.

Kung sakali naman aniyang kinakailangan talagang lumabas ay mariin pa din nitong ipinapaalala na sumunod sa mga health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield at ang pagkukusa sa pagsasagawa ng social distancing.



Ang patuloy na pagpapa-alala aniya ng kanilang tanggapan ay isa rin sa kanilang tungkulin upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat mamamayan hindi lang sa pandemya kundi sa lahat ng hindi inaasahang pangyayari.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.