by K.Monfero April 22, 2021 Plt. Col. Romulo Bong Albacea (Photo from his Twitter ...
April 22, 2021
Plt. Col. Romulo Bong Albacea (Photo from his Twitter Account) |
LUCENA CITY - Dala ang mga flyers habang nakasuot ng face mask at face shield, nagtulong-tulong ang ilang miyembro ng kapulisan sa isinagawang pagbabandilyo sa Grand Central Terminal kamakailan.
Nagsagawa ng Oplan Bandilyo at pamamahagi ng mga flyers ang kwerpo ng kapulisan ng lungsod sa pangunguna ng Lucena City Police Station Public transport marshalls at Grand Central Terminal Substation members sa pangunguna ni PEMS Rodrigo Advincula sa ilalim ng pangagasiwa ni Plt. Col. Romulo Bong Albacea.
Ang isinagawang pagbabandilyo ay upang ipinaalalang muli sa mga pasahero at operator ng mga pampublikong transportasyon ang 7 kautusan tungkol sa mahigpit na pagpapatupad ng minimum safety health protocols na iniatas ng Local inter-Agency Task Force o IATF.
Kabilang na din ang Anti-criminality campaign at Anti-Insurgency Tips sa ipinamahaging flyers ng nasabing grupo.
Ito ay bilang bahagi ng pagtupad sa kanilang tungkulin na siguraduhin ang kaligtasan ng bawat mamamayang Lucenahin at upang magbigay paalala pa rin sa patuloy na pagtalima sa safety health protocols upang maiwasan ang pagdami ng kaso ng nakahahawang sakit na coronavirus disease 2019 o Covid-19.
Hindi naman nagdalawang-isip na tanggapin ng ilang pasahero at operator ang mga ipinamahaging mga flyers.
Samantala, naobserbahan naman ng nasabing kwerpo na karamihan at halos lahat ng kanilang nabigyan ay sumusunod sa minimum safety protocols kung saan ang mga ito ay nakasuot ng face mask, face shield at mahigpit na ipinapatupad ang social distancing. (PIO Lucena)
No comments