by PIO Lucena/EJ Bagnes April 17, 2021 LUCENA CITY - Nagsimula ng mamahagi nitong buwan ng Marso ang mga Barangay Health Workers ng covid su...
April 17, 2021
LUCENA CITY - Nagsimula ng mamahagi nitong buwan ng Marso ang mga Barangay Health Workers ng covid survey at pre-registartion form para sa covid vaccination sa Lungsod ng Lucena.
Ang naturang aktibidad ay bahagi ng covid-19 vaccination plan ng pamahalaang panlungsod sa pamamagitan ng City Health Office na nangunguna sa pangangalap ng datos para sa mga mabibigyan ng libreng bakuna kontra covid-19.
Bukod sa mga BHW ay magiging katuwang din ng mga ito ang Sangguniang Barangay at ang Barangay Health Emergency Response Team o BHERT ng bawat barangay sa Lungsod.
Ang bawat pamilya ay binibigyan ng Profiling Form kung saan ito ay maaring punan o sagutan kung ikaw ba ay pumapayag na magpabakuna o hindi.
Maaari rin namang magsadya ang mga kinatawan ng pamilya sa mga opisina na nakakasakop sa inyong barangay o maaring makipag-ugnayan sa Purok Leaders o kaya naman ay sa mga Barangay Health Workers para makakuha ng form.
Bukod sa manual registration ay mayroon din na alok ang lokal na pamahalaan na online registration para sa contactless transaction upang maiwasan ang pagkakaroon ng pisikal na transakyon dahil din sa ipinapatupad na health protocols.
Maaari rin namang magtungo sa facebook page ng Sama-sama sa Bagong Lucena para sa QR Code at para sa iba pang detalye.
Samantala, nananatiling prayoridad ng pamahalaang panlungsod lalo’t higit ni Mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala ang seguridad sa kalusugan, kaligtasan at kapakanan ng bawat isang mamamayan sa Lungsod.
Kung matatandaan ay naglaan ang lokal na pamahalaan ng P350 million para sa 60 to 70 percent na populasyon sa Lungsod ang mabakunahan kontra COVID-19.
No comments