by Quezon – PIO April 10, 2021 Hepe ng BAC na si G. Diego Salas (Photo by Quezon – PIO) LUCENA CITY - Pinangunahan ng Provincial Bids and A...
April 10, 2021
Hepe ng BAC na si G. Diego Salas (Photo by Quezon – PIO) |
LUCENA CITY - Pinangunahan ng Provincial Bids and Awards Committee (BAC) ang regular na flag raising ceremony ng Pamahalaang Panlalawigan nitong nakalipas na araw ng Lunes, ika- 5 ng buwan ng Abril.
Personal ding dumalo ang Ama ng ating Lalawigan , Danilo E. Suarez sa naturang aktibidad kaisa ang mga pinuno at mga kawani mula sa iba’t-ibang tanggapan ng Kapitolyo kasabay ng pagsunod sa mga pinaiiral na health and safety protocols upang labanan ang banta ng COVID-19.
Sa mensahe naman ng Hepe ng BAC na si G. Diego Salas, kanyang ibinahagi ang ilan sa mga ginagawang serbisyo ng kanilang tanggapan upang masiguro na magtutuloy-tuloy ang kanilang mga tungkulin sa gitna ng pagharap sa makabagong normal dulot ng pandemya.
Habang sa naging pananalita ni Governor Danilo E. Suarez, kanyang inihayag ang ilan sa mga hakbang ng Pamahalaang Panlalawigan upang patuloy na aksyonan at labanan ang COVID-19 sa ating Probinsya at masiguro ang kaligtasan ng kalusugan ng ating mga kalalawigan.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang mga programa at serbisyo ng Pamahalaang Panlalawigan na tumutugon sa suportang kailangan ng mga Quezonian mula sa iba’t-ibang sektor sa ating Probinsya.
No comments