Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Rescue vehicles mula sa pamahalaang panlalawigan ipinagkaloob sa barangay mula bayan ng San Antonio at Candelaria

by Quezon – PIO April 22, 2021 CANDELARIA, Quezon - Ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan ang rescue vehicle sa Barangay Briones sa bayan...

by Quezon – PIO
April 22, 2021



Rescue vehicles mula sa pamahalaang panlalawigan ipinagkaloob sa barangay mula bayan ng San Antonio at Candelaria



CANDELARIA, Quezon - Ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan ang rescue vehicle sa Barangay Briones sa bayan ng San Antonio at Barangay Masalukot IV sa Candelaria nitong nakalipas na araw ng Martes, ika-20 ng Abril.

Habang kaisa ni Governor Danilo E. Suarez si 2nd District Board Member Yna Liwanag sa naturang aktibidad at personal naman silang sinalubong ni Barangay Kapitan Ariel Wagan at Mayor Erick Wagan ng San Antonio at Barangay Masalukot IV Kapitan Reverend Manalo ng Candelaria.



Sa naging mensahe ng mga nabanggit na Kapitan, kanilang ipinaabot ang labis na pasasalamat sa kaloob na rescue vehicle para sa kanilang barangay na malaking tulong para sa mga residente ng mga naturang barangay.

Gayon din sa naging pananalita ni San Antonio Mayor Wagan at Bokal Liwanag, kanilang ibinahagi ang patuloy na suporta at pakikiisa sa mga programa at serbisyong hatid ng Pamahalaang Panlalawigan para sa ating mga kababayan kasabay ng pasasalamat sa patuloy na pagtugon ng Ama ng ating Lalawigan sa kaloob na tulong sa ating mga Quezonian.



Samantala, sa mensahe ni Governor Suarez kanyang ibinahagi ang mga programang pinalalawig ng Provincial Government para sa ating mga kalalawigan gayon din ang patuloy na pagaksyon upang labanan ang banta ng COVID-19 sa ating Probinsya.

Sa ngayon ay tuloy-tuloy ang mga hakbang ng Pamahalaang Panlalawigan para sa paghahatid ng programa, proyekto at serbisyo sa ating mga kababayan sa kabila ng muling pagsailalim ng Quezon sa General Community Quarantine (GCQ).

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.