by PIO Lucena/EJ Bagnes April 2, 2021 Magsasaka sa lungsod. (Photo from City Agric...
April 2, 2021
Magsasaka sa lungsod. (Photo from City Agriculturist Nika Cabana) |
LUCENA CITY - Matagumpay na isinagawa kamakailan ang stingless bee management and utilization seminar workshop para sa mga magsasaka sa Lungsod ng Lucena.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng City Agriculture Office sa pangunguna ni Agriculturist Officer Mellissa Letargo katuwang ang mga tauhan ng Department of Agriculture Region 4-A.
Naging tagapagsalita sa aktibidad na ito ang Bee Focal Person ng Department of Agriculture Region 4-A na si Aida Luistro gayundin sina Maria Riza Pawopio na isang Science Research Specialist II at si Girsky Anda, Science Research Specialist I na mula sa Bee Division at Southern Tagalog Integrated Agricultural Research Center.
Ibinahagi ng naging tagapagsalita ang basic beekeeping at kahalagahan sa ecosystem ng mga stingless bee o mas kilala sa tawag na ‘Lukot’, anila ang mga ito ay bahagi sa polinasyon ng mga pananim tulad ng mangga, pinya at niyog.
Tinalakay din ng mga ito ang mga pamamaraan ng pag-aalaga at pagpaparami ng mga lukot na mahalagang matutunan ng mga magsasaka sa Lungsod.
Itinuro rin ng mga resource speakers kung paano ililipat at paghahatihatiin para dumami ang mga ito at kanilang ibinahagi ang mga paraan kung paano kukunin o aanihin ang mga honeybee sa bawat colony.
Ang isinagawang seminar ay isang hakbangin ng pamahalaan panlungsod at ni Mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala na matulungan ang mga magsasakang Lucenahin gayundin ang adhikain na mas mapayabong ang agrikultura sa Lungsod.
Bago matapos ang naturang aktibidad ay namahagi ang mga resource persons ng 9 na starter kit na bee colony para sa pagsisimula at pagpapadami nito sa Lucena.
Samantala, nakiisa sa naturang aktibidad ang mga miyembro ng Mango Growers Association, Lucena City Organic Farmers Association at SIPAG Lucena na may kabuuang dalawampu’t dalawang magsasaka sa Lungsod.
No comments