Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

SK Federation Lucena president Patrick Nadera, nagbigay ng mensahe para sa mga kabataang nagnanais na maging lider

by K.Monfero April 23, 2021 SK Federation Lucena President Patrick Norman Nadera ...

by K.Monfero
April 23, 2021


SK Federation Lucena president Patrick Nadera, nagbigay ng mensahe para sa mga kabataang nagnanais na maging lider
SK Federation Lucena President Patrick Norman Nadera




LUCENA CITY - Kamakailan lang ay nagbigay ng makabuluhang mensahe si SK Federation Lucena President Patrick Norman Nadera para sa mga kabataang mag-aaral ng Barangay Mayao Parada sa isang isinagawang leadership training para sa mga iskolar dito.

Sinabi ni Nadera ang mga katagang “Always grab the opportunity” kung saan ipinaliwanag nito na sa kahit maliit na bagay o aktibidad ay magiging malaking tulong at parte ito para sa buhay ng mga kabataan na maaaring dalhin ng mga ito hanggang sa kanilang pag-tanda.



Nagbigay din naman ng opisyal ng kanyang mga opinyon kung ano ang mga katangiang mayroon dapat ang isang lider kung saan sinabi din nito na kahit simpleng mag-aaral pa lang ang mga ito ay may mahalagang partisipasyon na ang mga nasabing mag-aaral sa kanilang komunidad.

Sa nasabing pananalita ng konsehal, ibinahagi rin nito ang sarili niyang mga naging karanasan noong siya ay hindi pa isang lider hanggang siya ay naging lider na ng mga kabataan sa Lungsod kung saan binigyan din nito ng payo ang mga mag-aaral.



Sinambit nito na hindi habang buhay ay mananatili lang sa pagiging estudyante ang mga kabataan, darating aniya ang panahon na kailangang matuto ng bawat isa ng mga panibagong kaalaman para maging mas maunlad.

Bilang panghuli, nagbigay pasasalamat naman ito sa Sangguniang Kabataan ng Mayao Parada sa pangunguna ni SK chairman Jay Calapit at sa ABKD President nito na si Cristian Lagos sa pagbibigay ng pagkakataon sa kanya upang makadaupang-palad ang mga iskolar ng nasabing Barangay.



Sana aniya ay may natutunan at napulot na aral ang mga ito sa nasabing aktibidad at hiniling din nito na sana ay magtulungan ang bawat isa dahil aniya kapag nagtutulungan, lahat ay kakayanin. (PIO Lucena)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.