by Quezon – PIO April 10, 2021 LUCENA CITY - Pinangunahan ni Governor Danilo E. Suarez ang pagkakaloob o naganap na turn-over ng rescu...
April 10, 2021
LUCENA CITY - Pinangunahan ni Governor Danilo E. Suarez ang pagkakaloob o naganap na turn-over ng rescue vehicle na ginanap sa harapan ng Governor’s Office sa Lungsod ng Lucena nitong nakalipas na araw ng Martes, ika-6 ng Abril.
Habang personal namang tinanggap ng kinatawang ng Sangguniang Barangay ng Manggawa at Kalimpak ng bayan ng Guinyangan ang units ng barangay rescue vehicle na kanilang magagamit sa kanilang lugar.
Gayon din ay naipagkaloob sa Sangguniang Barangay ng Talao-Talao ng Lungsod ng Lucena ang rescue vehicle na kanilang magagamit sa pagtugon sa pangangailangan ng kanilang mga ka-barangay at sa kanilang nasasakupan.
Labis naman ang pasasalamat ng mga Punong Barangay ng nabanggit na lugar dahil sa kaloob na mga service o rescue vehicle malaking tulong para sa kanilang komunidad.
Samantala, tuloy-tuloy naman ang pagkakaloob ng mga tulong, serbisyo at programa ng Pamahalaang Panlalawigan para sa ating mga Quezonian sa kabila ng pagharap sa makabagong normal dulot ng pandemya sa COVID-19.
No comments