Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Bangungot at masakit na leksyon ng India

by Henry Buzar May 2, 2021 Isang lalaking taga India (Photo from Rajb AI AI) Ang nangyayari sa India ay isang bangungot na dapat na gumising...

by Henry Buzar
May 2, 2021


Bangungot at masakit na leksyon ng India
Isang lalaking taga India (Photo from Rajb AI AI)


Ang nangyayari sa India ay isang bangungot na dapat na gumising sa ating pamahalaan at mamamayan. Idinuyan sa maling akala sa pagbaba ng bilang ng kaso ng Covid-19, ang pamahalaan ng India at ang kanilang mamamayan ay nagpabaya at ibinaba ang kanilang pagbabantay. Ngayon ay nagbabayad sila sa kanilang kapabayaan kasama na ang mga mayayaman na nakapuslit sa kuko ng pandemya noong nakaraang taon.

Sapagkat malapit na ang eleskyon, maraming mga pulitiko ang nagpabaya at kahit sila ay hindi nagsuot ng face mask upang makahila ng maraming tagapakinig sa kanilang mga kampanya. Noong March 11, milyon-milyong Hindu ang nagtipon-tipon upang ipagdiwang ang kanilang spritwal na ritwal ng paglilinis at pagtubog sa Ilog Ganges na walang social distancing, face mask at ano pa mang pananggalang kay Covid.



Ngayon lamang ay umabot sa 300K ang bagong tinamaan ng virus at 3,800 ang namatay sa isang araw lamang. Nagsisiksikan sa mga hospital na may kakulangan naman sa oxygen kaya’t hindi na matanggap ang mga pasyente. May ibang nagmagandang loob na maglagay ng mga oxygen sa mga daan upang matulungan ang mga itinatakbo sa mga hospital ngunit karamihan ay namatay na rin. Anim na daan kada araw ang kini-cremate at halos wala ng mapaglibingan. Halos mahati ang myembro ng pamilya ng mga namatay bata at matanda.

Ang pangyayari sa India ay kabalintunaan ng dapat hindi mangyari. Ang bansa ang siyang nangunguna pagdating sa produksyon ng bakuna at mga gamot katulad ng remdesivir at iba pa kaya naman tinawag na “World’s Pharmacy” ang India ngunit sa kasalukuyan tatlong porsyento pa lamang ang nabakunahan sa kanilang mamamayan.



Ang Latin America naman ay nag-ambag ng 35% ng kaso ng namatay sa Covid-19 sa buong mundo kung saan 8% lamang ang kontribusyon nila sa populasyon sa mundo. Mabilis din ang pagtaas ng mga kaso sa Brazil, Peru, Argentina at Columbia.

Sa Asia, mabilis din ang pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa Bangkok at mga karatig na lalawigan. Nagwarning ang Vietnam sa mabilis na pagtaas ng kaso sa Burma at Cambodia na kadikit lamang ng kanilang teritoryo.



Sa pagiging hindi balanseng distribusyon ng bakuna sa buong mundo, maaaring magkaroon ng mga strains na mas mabangis at hindi na tumalab ang mga kasalukuyang mga gamot at pawiin ang pagigng bastante ng mga Amerikano na siyang naunang nabakunahan na. Sa gayon ay maaring bumalik muli tayo sa simula ng ating laban at mas mabigat pa sa ngayon.

Sa mga pangyayaring ito, kinakailangang maging isang bangungot na leksyon ito sa Pilipinas at sa kanilang mamamayan. Kinakailangan nating harapin ang pagdating ng mas mabigat na unos at alon ng ikalawang yugto ng pandemya. KINAKAILANGANG MAGKAISA tayong lahat, lalo na ang mga pulitiko sapagkat ito ay hindi labang pulitikal kundi pang-kalusugan. Ngunit nasa “Mars age” na tayo kayat kailangang magsama-sama tayo nasa posisyon at oposisyon man. Dito lamang natin tatalunin ang inbisibol na kalaban na nagbabadya katulad ni “kalawit” sa ating bansa.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.