Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Barangayanihan activity ng Lucena PNP, isinagawa sa sama Badjao Community ng Barangay Barra

by PIO Lucena/EJ Bagnes May 14, 2021 Sama Badjao Community ng Barangay Barra (Photo from Barangay Barra Facebook Account) LUCENA CITY - Mata...

by PIO Lucena/EJ Bagnes
May 14, 2021


Barangayanihan activity ng Lucena PNP, isinagawa sa sama Badjao Community ng Barangay Barra
Sama Badjao Community ng Barangay Barra (Photo from Barangay Barra Facebook Account)



LUCENA CITY - Matagumpay na isinagawa ng mga tauhan ng Lucena City Police Station ang Barangayanihan Activity sa bahagi ng Sama Badjao Community ng Barangay Barra kamakailan.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng ‘Pulis Calabarzon, Kaagapay ko Barangayanihan’ sa ilalim ng pamumuno ni PLt. Col. Romulo Albacea.

Layunin ng programang ito ay makapagbigay ng tulong sa naturang lugar sa pamamagitan ng kanilang itinayong community pantry na tutugon sa ilang araw na pangangailangan ng mga ito.

Makikita sa lamesang itinayo sa Purok III ng naturang lugar ang mga pangunahin pagkain tulad ng bigas, itlog, delata, ibat-ibang uri ng gulay at iba pa.

Naging katuwang din ng kapulisan ng Lungsod ang mga tauhan ng Quezon Irrigation Management Office gayundin ay nakiisa rin sa aktibidad na ito ang Sangguniang Barangay Barra sa pangunguna ni Kapitana Amelia Sobrevinas kasama ang hanay ng covid marshalls, Cluster Leaders at mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team o BPATs.

Lubos naman ang naging pasasalamat ng mga residente ng Sama Badjao sa ipinagkaloob na tulong na ito ng kwerpo ng kapulisan ng Lungsod.

Ipinapaabot naman ng Lucena PNP na magtutuloy tuloy ang programang ito sa ibat-ibang lugar sa Lungsod upang masuportahan ang mamamayang Lucenahin na naapektuhan ng pandemyang dulot ng COVID-19.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.