by PIO Lucena/ Josa Cruzat May 2, 2021 Lucena PNP (Photo from Lucena PNP & Da...
May 2, 2021
Lucena PNP (Photo from Lucena PNP & Dawagak in Action) |
LUCENA CITY - Sa kagustuhang makapagpaabot ng tulong sa mga lubhang nangangailangan, patuloy ang pagsasakatuparan ng Lucena PNP ng iba’t-ibang barangayanihan activities.
Sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt. Col. Romulo Albacea katuwang ang mga kwerpo ng kapulisan ng lungsod at ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo o KKDAT, kamakailan ay matagumpay na inilunsad ng mga ito ang Barangayanihan Pantry sa tapat mismo ng police station sa bahagi ng Barangay V.
Ang pagsasakatuparan ng naturang aktibidad ay bilang pagsunod na rin matapos na magtayo ang iba’t-ibang grupo sa lungsod ng kani-kanilang community pantry sa kanilang komunidad mula ng mag-viral ang nabanggit na gawain sa Maginhawa St. sa Quezon City.
Dito ay iba’t-ibang uri ng gulay at iba pang essentials ang inihain sa lamesa na maaaring makuha ng libre ng mga nagnanais nito.
Maliban naman sa pantry ay patuloy din ang barangayanihan feeding program na siyang kamakailan lamang ay isinakatuparan sa bahagi ng Barangay III kung saan ay naging katuwang muli ng kapulisan ang KKDAT at mga opisyales ng naturang lugar sa pangunguna ni Brgy. Chairwoman Teresita Lacorte kasama ang kanilang Barangay Peacekeeping Action Team o BPATs.
Malugod na tinanggap ng ilan sa mga residente ng naturang barangay ang mainit na pagkain na inihanda ng mga nanguna sa aktibidad na siya namang lubos na pinagpasalamat ng mga ito.
Kaugnay ng mga nabanggit na aktibidad, siniguro naman ng pulisya na sumusunod sa safety health protocols ang lahat ng nagtutungo doon katulad ng pagsusuot ng face mask at faceshield at pagsunod sa social distancing.
Sa kasalukuyan naman ay nagpapatuloy ang pagsasakatipuran ng mga nabanggit na gawain sa ilalim ng Barangayanihan Program ng Lucena PNP sa layon na makapagbigay tulong sa bawat barangay sa lungsod lalo na ngayong nananatili paring nasa gitna ng krisis pangkalusugan ang bansa.
Maliban naman sa mga programa hinggil sa pakikipag-kapwa, patuloy parin naman ang pagpapaalala ng kapulisan hinggil sa pagtalima ng lahat sa atas na minimum safety health protocols laban sab anta ng covid-19.
No comments