by PIO Lucena/EJ Bagnes May 25, 2021 Pag-turn over ng mga murang pabahay sa ilalim ng Resettlement Assistance Program para sa mga magiging ...
May 25, 2021
Pag-turn over ng mga murang pabahay sa ilalim ng Resettlement Assistance Program para sa mga magiging benepisyaryo nito sa lungsod. (Photo screengrab from PIO Lucena video) |
LUCENA CITY - Matagumpay na isinagawa ang blessing at turn-over ceremony ng proyektong murang pabahay ni Mayor Roderick Dondon Alcala sa ilalim ng Ressetlement Assistance Program for Local Government Units sa DonVictor Ville kamakailan.
Ang naturang programa ay mula sa pagtutulungan ng pamahalaang panlungsod at National Housing Authority para sa mga bagong benepisyaryo mula sa Barangay Silangang Mayao.
Pinangunahan ni Mayor Dondon Alcala kasama sina City Administrator Anacleto Alcala Jr., Konsehal Patrick Norman Nadera, Reverent Father Ramil Esplana, OIC ng Batangas-Quezon District Office na si Romeo Mediavillo, Jr. at ang hepe ng Urban Poor Affairs na si Miled Ibias gayundin ay nagpaabot ng pagsuporta si Kapitana Nieves Maano at ang hepe ng ibat-ibang tanggapan ng pamahalaang panlungsod.
Sa naging pananalita ni City Administrator Jun Alcala, malugod nitong tinanggap ang mga bagong magiging benepisyaro na murang pabahay kung saan ay magiging maayos na ang mga ito at ligtas mula sa dati nilang tirahan sa tabi ng irrigation ng nasabing barangay.
Sa naging mensahe naman ni Mayor Dondon Alcala, ipinaabot nito ang kayang kagalakan dahil ilang mga Lucenahin na naman ang nakatupad ng kanilang matagal ng minimithing pangarap na magkaroon ng sariling bahay.
Ipinapakiusap lang ng Alkalde na mahalin ang bahay na ito bilang magiging permanenteng tirahan nila at ng kanilang mga pamilya.
Sa pagtatapos ng nasabing seremonya ay naman isinagawa naman ni Father Ramil Esplana ang pagbabasbas sa mga bahay na sinundan ng turn-over at distribution ng certificate of house and lot sa pangunguna ni Mayor Dondon Alcala.
Samantala, pormal namang tinggap ng 21 mga bagong benepisyaryo ng murang pabahay sa tulong ng Ressetlement Assistance Program ng NHA.
No comments