Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Coastal clean-up drive at tree planting activity pinangunahan ng Lucena PNP bilang selebrasyon ng Earth Day

by PIO Lucena/Josa Cruzat May 2, 2021  Lucena PNP (Photo from Lucena PNP) ...

by PIO Lucena/Josa Cruzat
May 2, 2021


Coastal clean-up drive at tree planting activity pinangunahan ng Lucena PNP bilang selebrasyon ng Earth Day
 Lucena PNP (Photo from Lucena PNP)



LUCENA CITY - Bilang pakikiisa sa selebrasyon ng Earth Day tuwing ika-22 ng Abril bawat taon, nagsagawa ng coastal clean-up drive at tree planting activity ang Lucena PNP sa bahagi ng Barangay Talao-Talao.

Sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt. Col Romulo Albacea, pinangunahan ng ilan sa mga tauhan nito sa pangunguna ni PSsg Ana Paral ang paglilinis sa baybaying dagat at pagtatanim sa mangrove area sa naturang barangay.



Naging katuwang ng mga ito ang mga SK Chairman at Kabataan Kontra Droga at Terorismo o KKDAT president sa lungsod, sanggunian ng naturang barangay sa pangunguna ni Kapitan Reil Briones kasama ang Barangay Peacekeeping Action Team o BPATs.

Sa isinagawang aktibidad ay sako-sakong basura ang nakuha ng mga kalahok katulad ng mga sanga, plastic, balat ng chichirya, kendi, bote at marami pang iba.



Pangunahing layunin ng paglilinis na ito ay upang mapanatili ang kalinisan ng baybayin at mailigtas ang dagat mula sa polusyon na dulot ng mga basura.

Sa kabilang banda naman ay may kabuuang bilang na limangdaang mangrove trees ang naitanim mangrove area ng barangay kung saan ay magsisilbing dagdag proteksyon ito laban sa pagbaha o sa tueing may hindi inaasahang sakuna tulad ng daluyong o storm surge.



Kaugnay parin ng isinagawang aktibidad, naniniwala ang mga kalahok na sa pamamagitan nito ay kahit papaano ay naipagdiwang ang earth day sa tama at wastong pamamaraan.

Ilan lamang ang coastal clean-up at tree planting activity sa mga maraming maaaring gawan tuwing sasapit ang earth day na siyang tunay na makabuluhan patungo sa greener at pollution free environment.

Samantala, lubos naman ang naging pasasalamat ng mga opisyales ng naturang barangay sa kwerpo ng kapulisan ng lungsod dahil sa inisyatibo ng mga ito na isakatuparan ang aktibidad.

Habang ipinangako naman ng pulisya na patuloy silang magiging katuwang ng buong lungsod hindi lamang sa usapin ng katahimikan at kapayapaan kundi maging sa gawaing pangkalikasan.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.