by PIO Lucena/EJ Bagnes May 14, 2021 LUCENA CITY - Pinapaalalahanan ng Commission on Election ng Lungsod ng Lucena ang lahat ng magtutungo s...
May 14, 2021
LUCENA CITY - Pinapaalalahanan ng Commission on Election ng Lungsod ng Lucena ang lahat ng magtutungo sa kanilang tanggapan lalo’t higit ang mga Lucenahin na magsuot ng maaayos na kasuotan kung magpaparehistro.
Ayon kay Lucena City Election Officer Atty. Ana Mei Barbacena, may ilang mga natutungo sa kanilang opisina na mga naka-spaghetti strap at sando lamang kung saan ay ito aniya ay naka-capture sa biometrics na magiging bahagi ng voter’s registration record ng mga ito.
Aniya, nire-required nila ang mga pupunta sa COMELEC Lucena na magsuot ng maayos na damit upang maging desente rin ang kanilang mga litrato.
Ipinapaabot din ni Atty. Barbacena na sumunod sa kautusang ito bilang pagpapahalaga sa tanggangan ng COMELEC Office gayundin sa mga kasabayang magpaparehistro.
Ilan naman sa hindi nila pinapayagan na improper attire ang mga sumusunod; Spaghetti Strap, Tube, Tank Top, Sleeveless, Plunging Neckline, Race back, Bare back, Short skirts, Hanging Top, Sando, anything without sleeves gayunding ang anumang uri ng shorts.
Ang pagpapaalalang ito ay para rin sa ikabubuti at kapakanan ng mga magtutungo sa COMELEC Lucena.
No comments