Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Eco Store: Basura Palit Grocery Project ng Sangguniang Kabataan Federation, nagtungo sa Barangay Salinas

by PIO Lucena/K.Monfero May 2, 2021 Sangguniang Kabataan Federation ng Lucena sa B...

by PIO Lucena/K.Monfero
May 2, 2021


Eco Store: Basura Palit Grocery Project ng Sangguniang Kabataan Federation, nagtungo sa Barangay Salinas
Sangguniang Kabataan Federation ng Lucena sa Barangay Salinas na pinangunahang muli ng presidente nito na si Patrick Norman Nadera.



LUCENA CITY - Nagtungo kamakailan ang Sangguniang Kabataan Federation ng Lucena sa Barangay Salinas na pinangunahang muli ng presidente nito na si Patrick Norman Nadera.

Dala ang mga bote ay agad namang nagpunta ang mga residente sa nasabing Eco Store kung saan pinamunuan din ni Nadera kasama ang ilan pang mga Sk chairpersons sa pamamahagi ng mga grocery items kapalit ng dala-dalang bote na walang laman at mga bote na may lamang basura.



Magugunitang ang “Eco Store: Basura Palit Grocery Project” ay bahagi ng kasalukuyang environment protection project ng nasabing konseho sa lungsod na mabawasan ang itinatapong mga basura upang marecycle at mapakinabangan pa.

Nagbigay pasasalamat naman ang Kapitan ng nasabing barangay na si Luis Vibar at ang Sk chairperson dito na si Sarah Zeta sa isinagawang pagbisita at pagdadala sa proyektong ito ng naturang konseho sa kanilang lugar na nasasakupan.



Anila, nabigyan ng pagkakataon ang kanilang mga kabarangay na makatulong sa kalikasan sa pamamagitan ng pagpapalit ng mga naturang basura na makababawas sa mga basurang itinatapon ng mga mamamayan.

Tuloy-tuloy lang aniya ang kanilang pag-suporta sa mga programang isasagawa ng Sk Federation ng lungsod ng Lucena na hindi lang para sa mga kabataan kundi para rin sa lahat ng mga Lucenahin.



Samantala, nagpasalamat din naman si ex-officio member Nadera sa mga nakiisa at tumatangkilik sa kanilang isinasagawang proyekto.

Sinabi din naman nito na abangan lang ang susunod nilang anunsyo kung kalian pupunta ang kanilang samahan sa mga bara-barangay upang doon naman isagawa ang nasabing pgpapalit basura.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.