by PIO Lucena/Josa Cruzat May 14, 2021 Bagong Lucena Welcome Circle (Photo from Da...
May 14, 2021
Bagong Lucena Welcome Circle (Photo from Danny Ordonez) |
LUCENA CITY - Matagumpay na isinagawa ang blessing at inagurasyon ng Bagong Lucena Welcome Circle sa may bahagi ng intersection ng Eco-Tourism Road sa Barangay Isabang kamakailan.
Ang naturang programa ay pinangunahan ni Mayor Roderick Dondon Alcala at Executive Assistant at Youth Advocacy Ambassador Kuya Mark Alcala kasama sila City Administrator Anacleto “Jun” Alcala Jr., Konsehal Anaclaeto Alcala III, Konsehal Danny Faller, Konsehal Americo Lacerna, Konsehal Wilbert McKinley Noche, Konsehal Christian Ona, Konsehal Baste Brizuela, Konsehal Nilo Villapando, Konsehal Jacinto “Boy” Jaca, Konsehal Patrick Nadera, Reverent Father Ramil Esplana, PLt. Col. Romulo Albacea, Sangguniang Barangay ng Barangay Isabang, at ng mga hepe ng bawat tanggapan.
Sa unang bahagi ng palatuntunan nagbigay ng mga pananalita ang mga opisyales kung saan ay binigyag diin ng mga ito na ang naturang landmark ay sumisimbolo sa lahat ng magagandang bagay na nakamit ng lungsod kagaya na lamang sa aspeto ng kaunlaran sa pamamagitan ng mga kakaibang proyektong isinusulong ng Pamahalaang Panlungsod, simbolo ng kagalingang pantao, gayundin bilang inspirasyon sa pagbangon mula sa hamon ng pandemya.
Matapos ng mga makabuluhang pananalita ay binigyang daan naman sa ikalawang bahagi ng programa ang pagbasbas sa naturang landmark na pinangunahan ni Father Esplana na sinundan ng ribbon cutting sa pangunguna naman ni Mayor Alcala at Kuya Mark kasama ang iba pang opisyales.
Sa pagtatapos ng inagurasyon ay malugod na niyakap ng mga nagsipagdalo ang naturang welcome circle na magiging tatak ng Bagong Lucena na siyang sumisimbulo sa pagkakaisa ng mga Lucenahin patungo sa patuloy na kaunlaran ng lungsod.
Ang Bagong Lucena Welcome Circle ay isa lamang sa maraming beautification projects ng lokal na pamahalaan sa inisyatibo ni Mayor Dondon Alcala na siyang naglalayong maging identity ng Lucena gayundin upang pausbungin ang aspeto ng turismo sa Lungsod.
No comments