by PIO Lucena/K.Monfero May 2, 2021 Lucena City Anti-Drug Abus...
May 2, 2021
Lucena City Anti-Drug Abuse Office |
LUCENA CITY - Nagpasalamat ang Lucena City Anti-Drug Abuse Office sa pangunguna ni CADAC Supervising Head Francia Malabanan para sa mga natanggap nitong family food packs o FFPs mula sa DSWD Region 4-A kamakailan.
Ito ay kung saan personal na tinungo ni Malabanan ang Regional Office ng DSWD sa GMA, Cavite noong nakaraang linggo upang kunin ang nasabing mga food packs.
Tinatayang nasa 240 kahon na food packs ang ipinagkaloob sa nasabing tanggapan ng lungsod para sa mga Reforming Persons Who Used Drugs o RPWUDS.
Ayon kay Malabanan, ipagkakaloob ito sa mga RPWUDs na sasailalim sa 30 araw na programa ng Kanlungan ng Pagbabago.
Aniya, malaking tulong ang mga nasabing FFPs sa mga nasabing benepisyaryo na alam ng mga ito na makatutulong sa kanilang mga pamilya habang sila ay sumasailalim sa nasabing programa.
Kaya naman taos sa puso ang pasasalamat ni Malabanan sa ipinagkaloob ng nasabing ahensya sa kanilang tanggapan at sa patuloy na pagsuporta rin ng lokal na pamahalaan sa kanilang mga programa.
Samantala, ang patuloy na pagkalinga na ito sa mga reformists ay bahagi pa rin ng layunin ng Pamahalaang Panlungsod na matulungan ang mga nagnanais magbagong buhay mula sa kinasangkutang mga gawain na may kinalaman sa ipinagbabawal na gamot.
No comments