Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mga banda sa Lungsod ng Lucena, binigyang ayuda ng Pamahalaang Panlungsod

PIO Lucena/ R.Lim May 6, 2021 Executive Assistant at Youth Advocacy Ambassador Kuya Mark Alcala (Photo from his FB account) LUCENA CITY - T...

PIO Lucena/ R.Lim
May 6, 2021


Mga banda sa Lungsod ng Lucena, binigyang ayuda ng Pamahalaang Panlungsod
Executive Assistant at Youth Advocacy Ambassador Kuya Mark Alcala (Photo from his FB account)



LUCENA CITY - Tinatayang aabot sa mahigit na 160 mga miyembro ng iba’t-ibang mga banda mula sa lungsod ng Lucena ang nabigyan ng ayuda ng pamahalaang panlungsod kamakailan.

Ang mga napagkalooban na ito ay ang mga miyembro ng samahang MUSIQ o ang Musicians of Quezon.



Pinangunahan ni Executive Assistant at Youth Advocacy Ambassador Kuya Mark Alcala ang aktibidad na ito kasama sina Senior City Councilor Anacleto Alcala III, at SK Federation President Patrick Nadera.

Sa naging pananalita ni Kuya Mark Alcala, ipinahayag nito ang kaniyang pakiisa sa nararamdaman ng mga musikero sa lungsod na aniya ay lubos ring naapektuhan ng pandemya.



Kung kaya naman, sinabi nito na patuloy pa sila ng kaniyang ama na si Mayor Roderick “Dondon” Alcala na mag-iisip ng iba’t-iba pang mga pamamaraan kung paano matutulungan ang mga ito.

Samantala, nagpasalamat naman ang mga napagkalooban ng nasabing ayudang ito na anila ay malaking tulong para sa kanila lalo pa ang karamihan sa kanilang mga kasamahan ay nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.



Layon ng pamamahaging ito na matulungan ang mga nasa industriya ng musika na muling makaahon sa kanialng naranasan sanhi ng krisis, kahit pa sa maliit na pamamaraan at mabigyan ang mga ito ng pag-asa na makayanan ang lahat ng kanilang mga kinakaharap na problema.

Ang pagkakaloob na ito ng ayuda ng pamahalaang panlungsod, sa pamumuno ni Mayor Dondon Alcala, ay sa pagnanais na rin nito walang kahit na anumang sector ang maiwanan lalo na sa panahon ngayon na sumasadlak pa rin ang lahat sa krisis pangkalusugan sanhi ng sakit na Covid-19.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.