by PIO Lucena/ Josa Cruzat May 6, 2021 Mga magsasaka mula sa Barangay Ilayang Talim at si Youth Ambassador Mark Alcala. LUCENA CITY - Lubos ...
May 6, 2021
Mga magsasaka mula sa Barangay Ilayang Talim at si Youth Ambassador Mark Alcala. |
LUCENA CITY - Lubos ang naging pasasalamat ng mga magsasaka mula sa Barangay Ilayang Talim dahil sa urban agriculture kits na kanilang natanggap mula sa Pamahalaang Panlungsod.
Kamakailan kasi ay nagtungo si Executive Assistant at Youth Advocacy Ambassador Kuya Mark Alcala kasama ang City Agriculture Office sa pangunguna ni Agriculturist Officer Mellissa Letargo sa nabanggit na barangay upang mamahagi ng mga kagamitang pangsaka sa mga ito.
Dito ay nagkaloob ang mga panauhin ng binhi at abono, kagamitan sa pagtatanim at multi tiller machine sa mga kasapi ng Samahan ng Maggugulay at Magpuprutas sa Barangay Ilayang Talim.
Dahil dito taos sa pusong pasasalamat ang ipinaabot ng SMMIT sa ipinagkaloob na mga kagamitan na tunay anilang makatutulong sa mga ito upang makapagtanim ng maayos at matiwasay na siyang pinagkukunan nila ng mapagkakakitaan.
Sa pamamagitan din ng tulong na ito ay mas mapapayabong anila ang kanilang paghahanap buhay sa kabila ng pag kasadlak ng kanilang mga kabuhayan dahil sa mga nagdaang sakuna kasabay pa ng pandemyang dulot ng COVID-19.
Bilang pagpapakita naman ng suporta sa mga magsasaka ng barangay, nagtanim mismo si Kuya Mark sa lupain ng barangay kasama ang adhikain na kapag mas maraming itinanim na pagkain, mayroong sapat na pagkain para sa lahat.
Gayundin upang maipadama sa mga magsasaka na siya kasama ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Dondon Alcala ay patuloy na nakaalalay sa mga pangangailangan ng mga ito.
Ang distribusyon ng urban agriculture kits ay nakapailalim sa Urban Agriculture Project ng Department of Agriculture katuwang ang mga lokal na pamahalaan.
No comments