Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Online registration para sa unang hakbang ng pagkuha ng National Id, nagsimula na

by PIO Lucena/EJ Bagnes May 7, 2021 Registration ng PhilSys ID sa Pacific Mall Luc...

by PIO Lucena/EJ Bagnes
May 7, 2021



Online registration para sa unang hakbang ng pagkuha ng National Id, nagsimula na
Registration ng PhilSys ID sa Pacific Mall Lucena (Photo from Sentinel Times)



LUCENA CITY - Nagsimula na nitong ika-30 ng Abril ang Online Registration para sa unang hakbang sa pagkuha ng National ID.

Layunin ng Philippine Identification System o PhilSys na bigyan ng valid proof of identity ang bawat Pilipino at dayuhang naninirahan sa bansa.



Sa pamamagitan kasi ng PhilSys, ay magkakaroon ng parehong digital at pisikal na ID Card na magiging daan upang mas mapabilis at mas maayos na pakikipagtransakyon sa pampubliko at maging sa mga pribadong sektor.

Para sa online registration ay kinakailangang mag-login sa register.philsys.gov.ph portal, Ang Step 1 ay pag-kolekta ng demographic information, dito ay kukunin ang mga sumusunod; name, sex, date of birth, place of birth, blood type, address at iba pang optional information tulad ng marital status, cellphone number at email address.



Pagkatapos na masagutan ang mga kinakailangang impormasyon, maari na kayong mag-set ng appointment para sa Step 2 sa registration center na malapit sa inyong lugar.

Ang step 2 ay ang pangkuha ng biometric information, tulad ng fingerprint, iris scan, at front-facing photograph kasabay ng validation ng supporting documents na maari rin makita sa kanilang philsys website.



Ang hakbang na ito ay gaganapin sa registration center na inyong pinili mula sa Step 1 registration, at kanilang ipinapaalala na huwag kalimutang dalhin ang inyong transaction number.

Kung sakali naman hindi makakapag-online registration sa Step 1 ay antabayanan ang pagdating ng kanilang data collector kung saan ay nagsimula na ang mga ito mag bahay-bahay upang kunin ang demographic information at mai-schedule para sa Step 2.

At para sa iba pang karagdagang impormasyon maaring bisitahin ang official facebook page at facebook.com/PSAPhilSysOfficial o maaring tumawag sa PhilSys Hotline 1388 o sa kanilang email info@philsys.gov.ph.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.