by PIO Lucena/Josa Cruzat May 7, 2021 LUCENA CITY - Upang mas makapag-bigay suporta pa sa mga lokal na negosyo ng mga Lucenahin ngayong nasa...
May 7, 2021
LUCENA CITY - Upang mas makapag-bigay suporta pa sa mga lokal na negosyo ng mga Lucenahin ngayong nasa gitna parin ng pandemya ang buong bansa maging ang Lungsod, naglunsad ng isang proyekto si Konsehal Benito ‘Baste Brizuela Jr., at ang opisina nito.
Ito ay ang Project RISE o Recovery by Insuring Support to Entrepreneurs na siyang suportado ng Sangguniang Panlungsod at ng Pamahalaang Panlungsod sa pamamagitan ng Resolution No. 18-366 bilang bahagi ng inisyatibo ng mga ito upang suportahan ang mga local businesses sa lungsod.
Nakapaloob sa proyektong ito ang pagbibigay tulong sa mga micro businesses lalo na iyong ang mga nai-tatarget na market ay maliit lamang kumpara sa malaking populasyon ng Lucena City.
Sa kasalukuyan ay nasa Phase 1 pa lamang ang proyekto kung saan ay naglunsad ito ng isang facebook page na sa pamamagitan nito ay ipino-promote ang mga micro businesses ng mga negosyanteng Lucenahin upang mapalawak ang kanilang market.
Tiniyak naman ng konsehal at ng tanggapan nito na magiging isandaang porsyento na ang pagpapatakbo ng Project Rise sa susunod na buwan bilang nakikita ng mga ito na magiging matagumpay ang kanilang pilot testing sa Phase 1 nito.
Samantala, sa mga nagnanais na maging bahagi ng naturang programa ay bisitahin lamang ang RISE Lucena facebook page at doon ay magpadala ng mensahe.
No comments