Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Reformists ng kanlungan ng pagbabago, pinagkalooban ng hygiene packs

by PIOLucena/K.Monfero May 7, 2021 CADAC Head Francia Malabanan ...

by PIOLucena/K.Monfero
May 7, 2021


Reformists ng kanlungan ng pagbabago, pinagkalooban ng hygiene packs
CADAC Head Francia Malabanan




LUCENA CITY - Kamakailan lang ay binisita ng ilang opisyales ng isang organisasyon at pinagkalooban ng hygiene packs ang Lucena City Anti-Drug Abuse Council para sa mga drug reformists ng Kanlungan ng Pagbabago.

Ang nasabing mga hygiene packs ay mula aniya kina Lt. Governor Marilyn Jugueta at President Malou Mancenido ng Kiwanis Club of Lucena.



Malugod namang tinanggap ni CADAC Head Francia Malabanan kasama ang mga Drug Reformists ang nasabing mga kits na naglalaman ng tissue, sanitary napkins, alcohol, at iba pang kagamitan na may kinalaman sa pagpapanatili ng kalinisan sa katawan.

Mahigit sa sampung mga kababaihang reformists ang nakatanggap ng nasabing hygiene packs na lubos namang ikinatuwa ng mga ito.



Layunin aniya ng nasabing samahan na mabigyan ng kagamitan na makatutulong sa mga ito na mapanatili ang kalinisan sa kanilang katawan habang sumasailalim sa 30-day rehabilitation program ng naturang tanggapan.

Nagbigay naman ng taos sa pusong pasasalamat si Malabanan lalung-lalo na ang mga reformists sa mga taong patuloy na nagbibigay suporta sa kanila na kahit aniya nasa pandemya ang lungsod at maging ang buong mundo ay hindi pa rin nawawala ang mga taong handang magbigay ng tulong sa kanilang kapwa.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.