Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Ang tagumpay ng Pilipinas laban sa Covid-19 ay naka-angkla sa mga tao nito

by Henry Buzar June 6, 2021 Gusto na nating matapos ang Covid-19 sa Pilipinas ngunit hindi mangyayari ito hanggat merong mga Pinoy ang hindi...

by Henry Buzar
June 6, 2021



Ang tagumpay ng Pilipinas laban sa Covid-19 ay naka-angkla sa mga tao nito



Gusto na nating matapos ang Covid-19 sa Pilipinas ngunit hindi mangyayari ito hanggat merong mga Pinoy ang hindi sumusunod sa patakaran at atas ng DOH at ng Pamahalaan. “Kung may isang pasaway palaging may susuway.“

Sa pagdami ng mga Covid-19 variants sa mundo at marami dito ay lubhang nakahahawa, nakikita na natin na magtatagal pa ang pandemya sa bansa lalo na’t kokonti pa lang ang nababakunahan.



Maraming mga Pinoy ang kampante na sapagkat lumipas ang isang taon na hindi naman sila tinamaan at hindi naman nagseryoso sa kanilang pagsusuot ng face mask, walang social distancing, walang pakialam kung maghugas ng kamay o hindi, manapa’y namuti na nga ang baba sa kadahilanang hindi na masikatan ng araw sapagkat iyon ang tinatakpan ng face mask buong araw.

Malapit ng mag-eleksyon at kampanyahan na naman. Kung hindi ka mamatay sa Covid-19 sa bala ka naman maaaring matapos lalo na’t kung masugid ang iyong pagtatanggol sa iyong kandidato.



Katulad sa India, ang pinakamalaking parte ng mabilis na pagkalat ng virus sa kanila ay sa ginagawang pangangampanya ng mga kandidato sa mga komunidad.

Dumami pa ang mga pilosopo Tasyo at patuloy na nananampalataya sa mga “conspiracy theories” na si Covid ay ordinaryong “flu” lamang at bakit sila ay hindi tinatamaan gayong panay ang piknik at pakikipag-inuman.



Marami ring relihiyoso at naniniwala na hindi sila tatablan ni Covid sa kadahilanang lumalakad sila ng paluhod sa mga simbahan at araw-araw ay nananalangin sa Diyos ng facebook. Marami rin ang tinamaan sa India sapagkat dumalo sila sa taonang pagdiriwang sa paglilinis ng katawan at ng mga kasalanan sa ilog Ganges.

Marami din ang suicidal sa kadahilanang mamatay sila sa gutom kung hindi magtratrabaho at magsisigaw sa loob ng palengke ng walang mask.

Lahat ng ito ay nagtulak upang magdeklara si Pangulong Duterte sa PNP na hulihin at ikulong ng 9 na oras ang mga matitigas ang ulo at ayaw magmask o hindi tama ang pagsusuot ng mask. Ganon pa man, hindi pa rin magiging epektibo ito kung malubha ang galit ng iba kay PDU30 at balewalain ang atas na ito.

Sa madaling salita, ang tagumpay laban kay Covid ay nakasalalay sa BAWAT ISA SA ATIN. Kung may isang magmamatigas at siya ay nahawa, sigurado akong mahahawa din niya ang iba pang matitigas din ang ulo, kaya lamang ay makakadala din siya ng mga sumusunod kung paiiralin pa rin ng mga Pinoy ang “PAKIKISAMA” sa mga walwalan, sa barkadahan, at sa pagiging panatiko.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.