by PIO Lucena/K.Monfero June 18, 2021 Local Inter-Agency Task Force Incident Command Head Janet Gendrano LUCENA CITY - Ipinaliwanag ni Luce...
June 18, 2021
Local Inter-Agency Task Force Incident Command Head Janet Gendrano |
LUCENA CITY - Ipinaliwanag ni Lucena Disaster Risk Reduction Management Office head and Local Inter-Agency Task Force Incident Command Head Janet Gendrano ang usapin tungkol sa ibinabang statement ng Department of Health tungkol sa malakihang gatherings sa isang panayam kamakailan sa programang Pag-Usapan natin ni Arnel Avila.
Sa nasabing programa ibinahagi ni Gendrano ang katatayuan ng Covid cases sa lungsod na siyang hindi dapat ipinagsasawalang-bahala ng lahat.
Noong mga nakaraang araw lang, umabot na aniya sa mahigit 200 ang active cases sa kasalukuyan na maiikumpara na sa pinakamataas na kaso noong nakaraang buwan ng Oktubre taong 2020.
Kaya naman dahil dito minarapat nitong ipahayag ang pagbabawal ng mga non-essential gatherings sa lungsod ng Lucena tulad ng mga birthdays, pageants o modelling activities, fiesta, parade, prusisyon, tupada at iba pang malakihang pagdiriwang na maaari namang ipagpaliban.
Nilinaw din naman nito ang tungkol sa pagkakaroon ng mahalagang okasyon tulad ng kasal at binyag, sinabi nito na maaari namang ituloy ang mga nasabing okasyon ngunit ang pagkakaroon ng reception o malakihang pagtitipon upang kumain ang hindi dapat isinasagawa dahil sa panganib na maaaring dito magkahawaan ng Covid-19.
Sinambit din naman ni Gendrano na hindi lahat ng mga okasyon sa iba’t ibang barangay ng lungsod ay ipinapaalam sa kanila kaya naman sinabi nito na ang mga Barangay officials, Barangay Task force at Barangay Marshalls na ang bahala sa mga ito.
Para naman aniya sa mga religious gatherings pinamamayagan naman ito lalo na ang pagdalo sa misa ngunit kinakailangan lang aniya sumunod sa safety health protocols tulad ng pagsusuot ng facemask, face shield at physical distancing.
Kaugnay nito, ibinahagi pa rin naman ng opisyal ang muling paghihigpit ng kanilang konseho katuwang ang kwerpo ng kapulisan at ang lokal na pamahalaan sa mga mamamayan na hanggang ngayon ay hindi pa rin sumusunod sa safety and health protocols.
Kaya naman bilang panghuli, nagbigay itong muli ng paalala para sa mga Lucenahin na sana aniya ay magtulong-tulong ang bawat isa na mapapunta na sa new normal phase ang lungsod sa pamamagitan ng pagsunod sa mga safety measures na ipinapatupad ng Local Task Force.
No comments