by PIO Lucena/ R. Lim June 24, 2021 ILAN sa mga lumabag sa Curfew at sa pinaiiral ...
June 24, 2021
ILAN sa mga lumabag sa Curfew at sa pinaiiral na Health Protocols sa Lucena na dinala sa covered court ng CDRRMO may kaugnayan sa implementasyon ng guidelines sa ilalim ng MECQ. |
LUCENA CITY - Upang masiguro ang kaligasan ng mga mamamayang Lucenahin, patuloy ang ginagawang pagpapatupad ng mga tauhan ng Lucena City Police sa quarantine at health protocol sa lungsod.
Kabilang na nga rin dito ang ginagawang panghuhuli sa mga lumalabag sa nasabing polisiya tulad ng hindi pagsusuot ng face mask at paglabag sa ipinatutupad na curfew hours.
Kamakailan ay 12 mga mamamayang Lucenahin mula sa iba’t-ibang mga barangay ang dinakip dahahilan sa ginawang paglabag ng mga ito nanagmula sa mga barangay ng Talao-Talao, Dalahican at Cotta.
Naging katuwang ng kwerpo ng kapulisan sa panghuhuli na ito ang mga tauhan naman mula sa Incidente Management Team ng local na pamahalaan.
At bilang kaparusahan samga ito, pinapanood ang mga nahuling lumabag ng tatlong oras na informercial tungkol sa Covid-19 at ilang mga paalala ngayong nasa Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ ang Lucena.
Ito ay upang mas maunawaan ng mga nadakip ang kahalagahan ng pagsunod sa ipinatutupad na health at quarantine protocols.
At matapos na makapanood ay saka pa lamang ang mga ito pinahihintulutang makauwi sa kanilang mga tahanan.
Sa kabuuan, sa simula nang mapasailalim sa MECQ ang Lucena, batay na rin sa tala ng Local IATF, umaabot na sa bilang na 1, 444 ang mga nadakip ng kinauukulan na lumabag sa nabanggit na polisiya simula noong ika-16 hanggang ika-21 ng Hunyo.
Kabilang na dito ang naitala ring 460 katao na naaresto sa Lucena Public Market na kung saan ay maituturing na may pinakamaraming bilang nang lumabag.
Samantala, patuloy naman ang paalala ng pamahalaang panlungsod, sa pamumuno ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa mga kapwa nito Lucenahin na sundin ang ipinatutupad na protocols sa lungsod.
Ito aniya ay upang matulungan na rin ang local na pamahalaan na mapababa ang bilang ng aktibong kaso ng naturang sakit sa Lucena.
No comments