by PIO Lucena/K.Monfero June 24, 2021 LUCENA CITY - Bagama’t kasalukuyang nasa gitna pa rin ng pandemya ang lungsod, patuloy pa rin naman an...
June 24, 2021
LUCENA CITY - Bagama’t kasalukuyang nasa gitna pa rin ng pandemya ang lungsod, patuloy pa rin naman ang lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Roderick Dondon Alcala sa pagpapakalat ng mahahalagang impormasyon na kinakailangang malaman ng mga mamamayang Lucenahin.
Sa naging panayam kay Mayor Alcala sa programang Pag-Usapan natin ni Arnel Avila kamakailan, ipinahayag nito na patuloy pa rin ang kanilang ginagawang Information Education Campaign o IEC.
Ito aniya ay isinasagawa ng Pamahalaang Panlungsod upang maipa-alala sa mga mamamayan na mayroon pa ring pandemya kung saan kinakailangan pa rin na mag-ingat at mas malawak na mapahayon ang kampanya laban sa covid-19.
Ibinahagi rin ng alkalde ang mga usapin na binabanggit sa isinasagawang IEC kung saan kabilang na dito ang health and safety protocols, Ordinance 2729 series of 2020, Covid-19 vaccination online and manual registration, vaccination survey para sa Covid-19, mga kaparusahan sa mga lumalabag sa ordinansa, mga numero sa consultation tungkol kalusugan, at mga paalala kung bakit kinakailangang magpabakuna.
Sa nabanggit ni Mayor Alcala, kasabay ng ganitong mga patawag sa mga mamamayan ay ang pamamahagi ng survey forms para sa mga Lucenahin na nagnanais na magpabakuna para pag dumating na aniya ang sapat na bilang ng mga vaccines ay tatawagan na lamang ang mga ito.
Marami pa rin kasi aniya ang ayaw magpabakuna kaya hangga’t maaga pa ay kinakailangan aniyang mabigyang kaalaman o maeducate ang kanilang mga kababayan upang matupad ang pagkakaroon ang herd immunity.
Sinabi naman ng alkalde na interesado naman aniyang nakikinig ang mga mamamayan sa kanilang isinasagawang IEC kaya’t hinihiling lang nito ang kooperasyon ng bawat isa dahil ang ginagawa lamang ng Pamahalaang Panlungsod ay ang higit na para sa ikabubuti ng mga mamamayang Lucenahin.
No comments