by PIO Lucena/ R. Lim June 2, 2021 Nakasama naman ni Kuya Mark Alcala sa aktibidad...
June 2, 2021
Nakasama naman ni Kuya Mark Alcala sa aktibidad na ito si Sangguniang Kabataan Federation President Patrick Nadera. |
LUCENA CITY - Dumalo bilang panauhing pandangal sa isinagawa Lucena Youth Summit si Executive Assistant at Youth Advocacy Ambassador Kuya Mark Alcala kamakailan.
Ginanap ang naturang aktibidad na ito sa Old City Hall Building na kung saan ay tinatayang mahigit na 30 mga kabataan ang dumalo dito
Nakasama naman ni Kuya Mark Alcala sa aktibidad na ito si Sangguniang Kabataan Federation President Patrick Nadera.
Layon ng naturang summit na ito na mas mabigyan pa ng dagdag kaalaman ang mga lider kabataan ng iba’t-ibang mga grupo sa lungsod.
Sa naging mensahe ni Kuya Mark Alcala kaniyang pinasalamatan ang lahat ng mga dumalo dito sa ginawang paglalaan ng kanilang oras para sa nabanggit na seminar.
Aniya, nararapat lamang na magkaroon pa ng mga ganitong uri ng leadership summit upang mas lalo pang mahasa ang angking galing at talino ng mga lider kabataan ngayon.
Humiling rin ang panganay na anak ni Mayor Dondon Alcala sa lahat ng mga nakibahagi dito na nawa aniya ay ibahagi rin ng mga ito sa iba pang mga kabataan sa kani-kanilang lugar ang kanilang matututunan dito.
gayundin ay maging mabuting ehemplo rin nawa ang mga ito sa kapwa nila kabataan para na rin sa mas ikabubuti ng mga ito.
Inihayag rin ng youth advocacy ambassador ang kaniyang buong pagsuporta sa lahat ng kanilang gagawin pang aktibidad at programa.
Sa huli ay binigyang pagkilala at papuri rin ng executive assistant ang mga lider ng ba’t-ibang grupo na nakibahahagi dito dahilan sa kanilang ginagawang pagsasakripisyo para magkaroon ng maayos na pamayanan ang mga kabataan sa kanilang lugar.
Ang pagsasagawa ng ganitong uri ng mga aktibidad para sa mga kabataang lider ng lungsod ay naisasakatuparan dahilan na rin sa pagnanais ng pamahalaang panlungsod at ni Kuya Mark Alcala na mas lalo pang madagdagan ang talino at kahusayan sa pagiging isang lider ang mga kalahok sa nasabing seminar at upang mas makapaglingkod ang mga ito ng maayos sa kanilang mga kapwa kabataan.
No comments