by PIO Lucena/EJ Bagnes June 18, 2021 Four Wheel Drive Tractor LUCENA CITY - Patuloy ang libreng pagpapagamit o pagpapahiram ng Four Wheel D...
June 18, 2021
Four Wheel Drive Tractor |
LUCENA CITY - Patuloy ang libreng pagpapagamit o pagpapahiram ng Four Wheel Drive Tractor ang Lokal na Pamahalaan para sa mga magsasakang Lucenahin.
Ito ay bilang patuloy na pagtugon ng tanggapan ni Punong Lungsod Roderick ‘Dondon’ Alcala sa pamamagitan ng City Agriculture Office sa pamumuno ni City Agriculturist Officer Mellissa Letargo upang maalalayan ang sektor ng argrikultura sa Lungsod.
Layunin ng programang ito na magtulungan ang mga magsasaka pagdating sa paghahanda ng lupang kanilang pagtataniman gayundin ay magsisilbi rin itong kabawasan ng kanilang gastos upang hindi na kinakailangan pang magrenta o kumuha sa mga upahan.
Sa facebook page ng Lucena City FITS Center, inilathala dito ang ilang mga alintuntunin sa paggamit ng four wheel drive tractor tulad ng mga sumusunod; dapat ang hihiram o gagamit ay lehitimong magsasaka ng lungsod. Kinakailangan din munang bisitahin ng tauhan ng City Agriculture Office ang lugar o lokasyon ng taniman kung ito ba ay angkop at maaari itong pagserbisyuhan.
Binibigyang prayoridad din ang mga miyembro ng mga lehitimong samahan ng magsasaka sa Lungsod na kinikilala ng naturang tanggapan.
Kinakailangan din na maipagbigay alam sa tanggapan ang petsa ng paghiram limang araw bago ito gamitin.
Ang magsasaka na nagnanais humiram ng traktora ay kinakailangang ding magfill-up ng request form na manggagaling sa nabanggit tanggapan.
Para sa iba pang detalye hinggil sa libreng serbisyo sa paghiram ng four wheel drive tractor ay mangyari makipagugnayan kay G. Engelberto T. Caliwara, Agricultural Technologist o magtungo sa sa City Agriculture Office, 3rd floor ng Lucena City Government Complex, Brgy. Kanlurang Mayao. Bukas ito simula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes.
No comments