by PIO Lucena/ R. Lim June 10, 2021 Si Executive Assistant at Youth Advocacy Ambassador Kuya Mark Alcala kasama sina City Councilors Anacle...
June 10, 2021
LUCENA CITY - Tuwa at kagalakan ang naramdaman ng ilang mga Lucenahin na napagkalooban ng tulong pangkabuhayan ng nasyunal na pamahalaan kamakailan.
Tinatayang nasa 35 mga mamamayan ng lungsod mula sa iba’t-ibang barangay ang nabigyan ng nasabing ayuda na ito ng Department of Labor and Employment na kung saan ay nahati ito sa dalawang kategorya.
Ang nasabing kategoryang ito, na sari-sari store at bigasan, ay batay na rin sa kahilingan ng mga pumasang benepisyaryo .
Sa pakikipagtulungan ng local na pamahalaan sa naturang tanggapan ay naging posible ang proyektong ito na makapagbibigay ng mapagkakakitaan ng nabanggit na benepisyaryo.
Ginanap ang pamamahagi ng tulong pangkabuhayan na ito sa ground floor ng Lucena City Government Complex na kung saan ay dinaluhan ito ni Executive Assistant at Youth Advocacy Ambassador Kuya Mark Alcala.
Maging sina City Councilors Anacleto Alcala III at Baste Brizuela ay nakiisa rin sa okasyong nabanggit kasama sina City Administrator Anacleto “Jun” Alcala Jr, ang head ng Provincial DOLE na si Sir Edwin Hernandez at ang hepe ng City PESO.
Sa maiksing programana isinagawa dito, nagbigay ng mensahe si Kuya Mark Alcala sa lahat ng mga dumalo sa nasbing pamamahagi.
Natutuwa aniya siya sa proyektong ipinagkaloob na ito ng nasyunal na pamahalaan para sa mga kapwa niya Lucenahin na naglalayong mapataas ang antas ng pamumuhay ng mga ito.
Dagdag pa ng panganay na anak ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala, nais niya na makita ang mga benepisyaryo nito ay umunlad para na rin sa kanilang kapakanan.
Nasa kamay aniya ng bawat isa sa mga ito ang pag-unald ng kanilang napiling negosyo sa kung paano ito papalaguin at mas lalo pang lumaki.
Dahilan sa ang pag-unlad ng bawat isang mamamayang Lucenahin ay tiyak rin na pag-unald ng lungsod ng Lucena.
Sa huli ay nagbigay paalala rin ang youth advocacy ambassador sa mga benepisyaryo ng programang nabanggit na nararapat aniya na ito ay kanilang pagyamanin at paka-ingatan para na rin sa kanilang pamilya at sa kanilang mga sarili.
Tiniyak rin ni Kuya Mark Alcala sa mga ito na palagiang nakahanda at nakasuporta ang local na pamahalaan na tumulong sa mga ito sa abot ng kanilang makakayanan.
At matapos na makapaghatid ng kaniyang mensahe ay pormal nang ipinagkaloob sa mga ito ang kanilang napiling tulong pangkabuhayan.
Ang pagkakaloob na ito ng nasabing ayuda para sa ilang mga mamamayang Lucenahin ay naisakatuparan dahilan na rin sa kahilingan ni Mayor Dondon Alcala sa kalihim ng DOLE na si Sec. Silvestre Bello para sa mga kababayan nitong Lucenahin.
Ito aniya ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga ito na maiangat ang kanilang pamumuhay at ang kanilang pamilya lalo na at patuloy pa ring nakakaranas ng pandemya ang ating lungsod.
No comments