by PIO Lucena/ R. Lim June 24, 2021 Mayor Roderick “Dondon” Alcala LUCENA CITY - "Upang mas maging maayos ang magiging daloy ng pagbaba...
June 24, 2021
Mayor Roderick “Dondon” Alcala |
LUCENA CITY - "Upang mas maging maayos ang magiging daloy ng pagbabakuna sa publiko, nararapat lamang na ito ay paghandaan."
Ito ang sinambit ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala hinggil sa gagawing pagbabakuna sa mga Lucenahin na nagnanais nito.
Dagdag pa ni Mayor Alcala, kinakailangan na magkaroon ng information education campaign para mas maunawaan ng mga mamamayan ang gagawing pagbabakuna sa mga ito.
Gayundin ang tamang bilang nang mga mababakunahan sa loob ng isang araw at kung saang lugar ito maaring gawin upang sa ganun ay maging maayos ang daloy ng naturang programa.
Ang isa pa rin sa mga maaring kaharapin na suliranin sa hakbanging ito ay ang kagustuhan mismo ng mga mamamayan na mabakaunahan dahil ayon sa punong lungsod, sadyang hindi madali na hikayatin at papayagin ang mga Lucenahin para dito.
Bagamat ayon sa alkalde ay sadyang may kakulangan ng vaccine para sa naturang sakit, naniniwala naman siya na darating din ang oras na ang lahat ng mga Lucenahin o kundi man ay 70% ng populasyon nito ay matuturukan nito.
At dahilan sa kaniyang pagiging aniya ay isang optimistic na tao, sa kabila ng mga problemang kinakaharap nito patungkol sa nasabing usapin, ay kaniya pa ring pinaghahandaan ang pagbabakuna sa maraming bilang ng nagnanais na magpaturok ng vaccine laban sa Covid-19.
Sa huli sinambit ng ama ng lungsod na patuloy ang kaniyang ginagawang mga pamamaraan bilang paghahanda ng vaccine laban sa Covid-19 para sa mga mamamayang Lucenahin.
Ang ginagawang paghahanda na ito ng lokal na pamahalaan para sa mga nagnanais na mabakunahan ng panangga sa nabanggit na sakit ay dahilan na rin sa pagnanais ni Mayor Dondon Alcala na ang lahat ng mga Lucenahin ay maging ligtas sa sakit na ito at muling makapamuhay ng normal para na rin sa kanilang kapakanan at sa kanilang pamilya.
No comments