by PIO Lucena/ R. Lim June 24, 2021 Executive Assistant at Youth Advocacy Ambassador Kuya Mark Alcala LUCENA CITY - Dumalo bilang panauhing ...
June 24, 2021
Executive Assistant at Youth Advocacy Ambassador Kuya Mark Alcala |
LUCENA CITY - Dumalo bilang panauhing pandangal sa isinagawang muling pagbubukas ng Balay Silangan para sa ikatlong batch ng programang Kanlungan ng Pagbabago si Executive Assistant at Youth Advocacy Ambassador Kuya Mark Alcala kamakailan.
Nakasama ni Kuya Mark Alcala sa aktibidad na ito sina LCADAO Head Francia Malabanan, Lucena City Deputy Police Chief PMaj.Clarence John Erese, Intellligence Officer 1 Jonathan Platon ng PDEA Quezon, at Brgy. Dalahican Kagawad Luisito San Pascual.
Aabot sa tinatayang 14 na mga recovering persons who used drugs o RPWUDS ang nakapaloob sa nasabing progamang ito.
Sa maiksing programa na isinagawa dito, nagbigay ng kanilang mensahe ang mga nabanggit na opisyal na kung saan ay kanilang binati ang mga RPWUDS na lumahok sa proyektong ito ng pamahalaang panlungsod.
Anila, isang malaking hakbang ito para sa kanila na tulungan at talikuran ang kanilang mga nagawang pagkakamali sa buhay.
Samantala, ipinahayag naman ni Kuya Mark Alcala ang paghanga sa lahat ng mga nakilahok dito dahilan sa kanilang kagustuhan na matulungan hindi lamang ang kanilang sarili kundi maging ang kanilang pamilya.
Ayon sa Youth Advocacy Ambassador, isang magandang panimula ang kanilang isasagawang pagsasanay dito para na rin sila ay tuluyang makapagbagong buhay at hindi na bumalik pa sa kanilang maling nakagawian sa buhay.
Dagdag pa ni Kuya Mark Alcala, nararapat lamang na tutukang mabuti at isapuso ng bawat isa sa mga ito ang lahat ng itinuturo sa kanila ng facilitators upang maging matagumpay ang mga ito.
Aniya, ang hakbanging ito ay hindi lamang para sa kanilang tuluyang pagbabago kundi para na magkaroon sila ng pagsisimulan sa kanilang pagtatapos na nabanggit na programa.
Sa huli ay sinabi ng panganay na anak ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala na nawa sa muling pagkikita ng mga ito ay nasa mabuting kalalagyan na sila at mayroong maayos na pamumuhay.
Ang pagdalong ito ni Kuya Mark Alcala sa nabanggit na okasyon ay upang ipakita ang kaniyang pagsuporta sa lahat ng mga RPWUDS na nagnanais na makapagbagong buhay at talikuran ang kanilang mga maling desisyon sa buhay.
Gayundin ang hangarin na ipakita sa lahat ng mga nasa katulad nilang nasa naturang estado na hindi pa huli ang upang muling makapagbagong buhay para sa kanilang sarili at sa kanilang pamilya.
No comments