by PIO Lucena/K.Monfero June 8, 2021 Dinaluhan ng mga regional officers mula sa ib...
June 8, 2021
Dinaluhan ng mga regional officers mula sa iba't ibang ahensya ang isinagawang pagpupulong hinggil sa Regional Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) kamakailan. |
LUCENA CITY - Dinaluhan ng mga regional officers mula sa iba't ibang ahensya ang isinagawang pagpupulong hinggil sa Regional Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) kamakailan.
Kabilang na sa mga dumalo sina CALABARZON Police Regional Director Pcol. Emmanuel Hebron, Quezon Provincial Police Office Director PCol. Joel Villanueva, DILG IV-A Regional Director Ariel Iglesia, SOLCOM Deputy Command Col. Armand Arevalo, DOH Asst. Regional Director Paula Paz Sydiongco, at DSWD Region 4A Section Head Cristina Tatoy.
Ginanap ang nasabing aktibidad sa isang hotel sa lungsod sa pangunguna ng Lucena City Inter-Agency Task Force sa ilalim naman ng pamumuno ni Lucena Disaster Risk Reduction Managment Office Head Janet Gendrano.
Pinasimulan ni Mayor Roderick Dondon Alcala ang nasabing programa sa pamamagitan ng pagbibigay ng pambungad na mensahe, sinundan naman ito ng Regional Task Force on Covid-19 chairperson at Regional Director of the Civil Defense Maria Theresa Escolano.
Ayon kay Escolano, layunin ng kanilang tanggapan na makatulong sa lokal na pamahalaan ng Lucena kung paano mapapababa at makatutulong na masolusyonan ang nararanasang pandemya dulot ng Covid-19.
Sa ikalawang bahagi ng programa, dito ipinaliwanag ni Escolano ang iba't ibang istratehiya at hakbangin na maaaring gawin ng Pamahalanaang Palungsod upang matulungang mabawasan ang kaso ng nakahahawang sakit sa lungsod sa pamamagitan ng tinatawag na PDITR o ang Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR) sa ilalim ng National Plan Phase III.
Ipinaliwanag din naman ni DILG Local Government Operations Officer Gilberto Tumamac ang Application of Zoning Containment Strategy na maaari rin gawin sa lungsod.
Kaugnay nito, ipinresenta naman ni LDRRMO Head Janet Gendrano ang kasalukuyang sitwasyon ng lungsod sa gitna ng nararanasang pandaigdigang krisis pangkalusugan.
Bilang panghuli nagkaroon naman ng forum hinggil sa mga usaping nabanggit kung saan naging makabuluhan naman ang pagpapalitan ng katanungan at suhestiyon ang bawat isang dumalo.
No comments