Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Pamahalaang bayan ng Los Baños at LLDA, magkatuwang na itataguyod ang GPRD

by PIO Los Baños June 9, 2021 Laguna Lake Development Authority (LLDA) Building. (Photo from PNA) LOS BAÑOS, Laguna – Magkatuwang na itatagu...

by PIO Los Baños
June 9, 2021


Pamahalaang bayan ng Los Baños at LLDA, magkatuwang na itataguyod ang General Paciano Rizal Park Development
Laguna Lake Development Authority (LLDA) Building. (Photo from PNA)



LOS BAÑOS, Laguna – Magkatuwang na itataguyod ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa pamumuno ni Mayor “Kuya Tony” Kalaw, at ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) ang pagpapaunlad sa General Paciano Rizal Park sa tabing lawa ng Barangay Baybayin.

Pinirmahan ni Mayor Kalaw at ng LLDA ang isang Memorandum of Agreement (MOA) ng kasunduang ang mga ito ay magtutulong para sa pagpapaunlad at pagpapaganda ng General Paciano Rizal Park kahapon, Mayo 31, 2021.



“Ang Proyektong ito ay magsisimbolo ng pangangalaga ng aming lawa at ang patuloy na pagmamahal sa kalikasan,” pahayag ni Mayor Kalaw sa kanyang mensahe kaugnay ng programa.

Nagpaabot siya ng pasasalamat sa ahensya ng LLDA dahil sa tulong na ipinagkakaloob nito upang higit na mapaunlad ang bayan ng Los Baños sa pamamagitan ng proyektong di lamang makatutulong sa pagprotekta sa kalikasan kundi maging sa sektor ng turismo.



Ang nasabing lugar ay gagawing eco-tourism hub para sa mga lokal at dayuhang turista kung saan ang mga bibisita ay magkakaroon ng pagkakataong makakita ng magandang tanawin partikular ang pagsikat at paglubog ng araw at matunghayan ang kagandahan ng Laguna Lake.

Bahagi ng plano sa pagdedebelop nito ang pagtatayo ng mga sports facility, stage, aquarium, Integrated Fish Garden Project, Port and Mooring Station, Floating Grid Solar Panels, Senior Citizens Day Care Center, Waste Water Treatment Facility at iba pang mga park amenity, maging ang pagmementena at pagsasaayos ng Los Baños Therapeutic Massage Center and Health Spa at Ceasar P. Perez Stadium and Evacuation Center.



Ang idedebelop na eco-tourism hub ay magsisilbi ring open space para sa mga tao kung saan maaaring magsagawa ng mga pribado at panggobyernong pagtitipon sa mga darating na pagkakataon.

Layon ng LLDA na maisakatuparan sa pamamagitan ng proyektong ito ang kanilang mandato na maiwasan, makontrol at mabawasan ang polusyon sa mga yamang tubig sa ating bansa at maproteksyonan ang mga ito kasama na ang Laguna Lake.

Sa kabila nang pandemya, patuloy ang pagsisikap ng pamahalaang bayan, sa pangunguna ng ating Punumbayan Mayor Kalaw, sa pagsasaayos ng iba’t ibang sektor sa ating bayan kasama na ang pangkalikasan at turismo upang makatulong sa ating pagbangon.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.