Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Pamahalaang panlungsod nagkaloob ng isang service patrol car sa tanggapang ng Lucena City Police

by PIO Lucena/ R. Lim June 8, 2021 Ang service patrol car. LUCENA ...

by PIO Lucena/ R. Lim
June 8, 2021


Pamahalaang panlungsod nagkaloob ng isang service patrol car sa tanggapang ng Lucena City Police
Ang service patrol car.



LUCENA CITY - Sa pagnanais na mas mapaigting pa ang kampanya sa kaayusan at kapayapaan sa lungsod, nagkaloob ng isang service patrol car ang pamahalaang panlungsod sa tanggapan ng Lucena City Police.

Pormal na iniabot ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang symbolic key ng nasabing sasakyan sa isinagawang turn over of command ni outgoing Provincial Director Police Col. Ericson Dilag kamakailan.



Ginanap ang nasabing aktibidad na ito sa Camp Guillermo Nakar na kung saan ay naging panauhing pandangal dito si Regional Police Director PBGen. Eliseo Cruz.

Sa nagging pananalita ni Mayor Dondon Alcala dito, kaniyang sinabi na palaging nakahandang sumuporta ang pamahalaang panlungsod sa sangay ng kapulisan sa Lucena.



Dagdag pa ng alkalde, makatitiyak rin ang mga nabanggit na ahensya na patuloy rin ang gagawing tulong niya sa mga ito sa abot ng kaniyang makakayanan.

Binigyang pasasalamat rin ni Mayor Alcala ang lahat ng mga tauhan ng Lucena City PNP, lalo’t higit sa hepe ng mga ito na si PLt. Col. Romulo Albacea, sa pagiging katuwang ng lokal na pamahalaan sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan ng Lucena.



At matapos na makapagbigay ng mensahe ang ama ng bagong Lucena ay pormal nang ipinagkaloob sa mga ito ang bagong service patrol car para sa kanilang ahensya.

Ang pagkakaloob na ito ng nasabing sasakyan ay isang pamamaraan lamang ni Mayor Dondon Alcala at ang pamahalaang panlungsod nang pagpapakita ng pagsuporta sa hanay ng kapulisan ng lungsod.

Bukod pa rin dito ang iba pagkakaloob ng iba’t-ibang mga programa at proyekto na sadya namang makatutulong para sa nabanggit na hanay.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.