Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Pamahalaang Panlungsod nagpaabot ng tulong sa mga biktima ng sunog sa bahagi ng Barangay Ibabang Dupay

by PIO Lucena/Josa Cruzat June 24, 2021 Executive Assistant at Youth Advocacy Ambassador Kuya Mark Alcala LUENA CITY - Upang maipadama ang ...

by PIO Lucena/Josa Cruzat
June 24, 2021


Pamahalaang Panlungsod nagpaabot ng tulong sa mga biktima ng sunog sa bahagi ng Barangay Ibabang Dupay
Executive Assistant at Youth Advocacy Ambassador Kuya Mark Alcala



LUENA CITY - Upang maipadama ang lubos na pag-alalay sa mga kababayang nabiktima ng sunog sa bahagi ng Little Baguio 2 sa Barangay Ibabang Dupay ay nagpaabot ng tulong ang Pamahaalang Panlungsod.

Personal na tinungo ni Executive Assistant at Youth Advocacy Ambassador Kuya Mark Alcala ang naturang barangay upang doon ay mamahagi ng ayuda sa labindalawang pamilyang naapektuhan ng sunog kamakailan.



Sa naging pagbisita ng nakababatang Alcala ay naipaabot nito ang ilang mga ayuda mula sa pamahalaang panlungsod kagaya ng food packs, kagamitang pantulog, emergency balde na naglalaman ng pagkain, gamot, tubig, at iba pa, at kaukulang cash assistance.

Naniniwala si Kuya Mark na sa pamamagitan ng munting tulong na ito ay makapag-sisimulang bumangon muli kahit papaano ang mga nasalanta ng mapinsalang sunog.



Sa kabila ng pandemya at kasalukuyang quarantine status ng lungsod, aniya hindi malilimutang bahaginan ng tulong ng lokal na pamahalaan ang kanilang mga kababayan na siyang nangangailangan ng pag-alalay at suporta kagaya na lamang ng mga naging biktima ng nakaraang sunog sa naturang barangay.

Binigyang paalala rin ni Kuya Mark ang mga ito na palagiang mag-ingat ng sa gayon ay maiwasan ang ganitong uri ng sakuna ngunit siniguro naman nito na magkagayon ma’y lagi’t laging bukas upang magkaloob ng tulong ang pamahalaang panlungsod sa pangunguna pa rin ni Mayor Roderick Dondon Alcala.



Matapos ang mga naging pananalita sa maikling programa ay pormal ng isinagawa ang distribusyon ng mga ayuda sa mga magiging benepisyaryo nito na siyang nagbigay pasasalamat din naman dahil sa biyayang kanilang natamo.

Gayundin din naman ang pasasalamat na ipinaabot ng Pamahalaang Pambarangay ng Ibabang Dupay sa pangunguna ni Konsehal Jacinto ‘Boy’ Jaca at SK Chairman Rolden Garcia dahil sa anilang walang sawang pagtugon ng alkalde kasama si Kuya Mark sa pangangailangan ng mga mamamayan ng kanilang nasasakupan.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.