by Ruel Orinday June 11, 2021 Southern Luzon State Unversity (SLSU) ...
June 11, 2021
Southern Luzon State Unversity (SLSU) |
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Inihayag ni Quezon 4th District Rep. Angelina "Helen Tan" sa idinaos na "Kapihan sa PIA" kamakailan na aprubado na sa huling pagbasa ng Mababang Kapulungan sa Kongreso ang pagtatatag ng medical school sa Southern Luzon State Unversity (SLSU) sa Lucban.
Sa Kapihan, pinasalamatan at pinuri ni Tan ang mabilis na pagtugon ng kanyang mga kapwa mambabatas upang maaprubahan kaagad ang nasabing panukala na siya mismo ang may akda.
"Nagpapasamat din po ako sa mga kasamahan kong mambabatas sa pagsuporta sa aking inakdang panukalang batas na siyang tutugon sa pangangailangan o pagkakaroon pa ng marami pang mga health profesionals sa bansa lalo pa ngayong panahon ng pandemya", dagdag pa ng mambabatas
Ayon pa kay Tan, malaking tulong ang pagtatayo ng medical school sa SLSU-Lucban upang matugunan ang kakulangan ng mga doktor sa bansa.
Isa rin sa layunin ng House Bill 9301 na magkaroon ang SLSU ng Doctor of Medicine Program na four-year baccalaureate program na bubuuin ng basic science at clinical course para sa professional physicians sa Philippine Health Care system.
Naka-angkla sa National Health Human Resource Master Plan ang nasabing panukala at nakadisenyo para sa akmang estratehiya sa recruitment, retraining, regulation, retention at reassessment ng health workforce batay sa pangangailangan ng populasyon sa bansa. (Ruel Orinday-PIA-Quezon)
No comments