Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Suplay ng bakuna sa lungsod hindi pa rin sapat ayon kay City Health Officer Dra. Jocelyn Chua

by PIO Lucena/Josa Cruzat June 10, 2021 City Health Officer Dra. Jocelyn Chua sa programang Pag-Usapan Natin ni Arnel Avila. (Screengrab fro...

by PIO Lucena/Josa Cruzat
June 10, 2021


Suplay ng bakuna sa lungsod hindi pa rin sapat ayon kay City Health Officer Dra. Jocelyn Chua
City Health Officer Dra. Jocelyn Chua sa programang Pag-Usapan Natin ni Arnel Avila. (Screengrab from Pag-Usapan Natin ni Arnel Avila video)




LUCENA CITY - Hindi pa rin sapat ang suplay ng covid-19 vaccine sa lungsod ng Lucena. Ito ang binigyang paliwanag ni City Health Officer Dra. Jocelyn Chua sa programang Pag-Usapan Natin ni Arnel Avila kamakailan.

Ayon kay Chua sa kasalukuyang sitwasyon ng lungsod sa vaccination rollout kung saan ang mga bakunang dumarating ay mula pa rin sa donasyon ng Department of Health sa kadahilanang hindi pa rin makapag-avail ng sariling bakuna ang lokal na pamahalaan sa kabila ng nakalaang pondo rito, ay hindi pa rin aniya magiging sapat upang mabakunahan ang isandaan at apatnapung libong katao, na siyang kaukulang bilang upang makamit ang tinatawag na herd immunity.



Paliwanag ng doktora, sa oras na dumarating ang mga bakuna sa Pilipinas ay siyamnapung porsyento nito ay naipagkakaloob sa NCR Plus Bubble at ang sampung porsyentong natitira ang siyang napaghahati-hatian ng mga natitirang lugar na siyang nagdudulot ng shortage of supply sa lungsod.

Bagamat nakararanas ang lungsod ng kakulangang suplay ng bakuna laban sa covid-19 ay tiniyak naman ni Dra. Chua na sila ay tumatalima sa sectoral prioritization kung saan ay siyang gabay kung anong sektor ng lipunan ang kinakailangang unahing mabakunahan.



Dagdag pa nito, makasisiguro ang lahat na hindi tumitigil ang lokal na pamahalaan at ang CHO sa pakikipag-ugnayan sa DOH upang mabahaginan ang lungsod sa mga susunod pang darating na suplay ng bakuna sa bansa.

Sa kabilang banda, ay natutuwa naman si Dra. Chua na ngayon ay mas tumataas ang porsyento ng mga Lucenahing nagnanais mabakunahan kumpara nitong mga nakaraang buwan na karamihan ay nagdadalawang-isip pa.



Kung mas marami ang mga mamamayan sa lungsod na gustong magpabakuna, kaya naman aniya ng lokal na pamahalaan na mag-roll out hanggang tatlong libong katao sa isang araw ang problema lamang ay ang kakulangang suplay ng vaccine.

Sa huli ay nagbigay kasiguruhan si Dra. Chua na handa ang pamahalaang panlungsod sa vaccination rollout nito at kung mangyaring dumami pa ang donasyong vaccine ng DOH at makapag-avail na ang lokal na pamahalaan ay may nakalaang plano si Mayor Roderick Dondon Alcala katuwang ang kanilang tanggapan upang magsagawa ng mabilisang pagpapabakuna.

Samantala, ang vaccination roll out ng pamahalaang panlungsod ay nagsimula nitong buwan ng Marso.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.