Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Anti-drug abuse office, malugod na tinanggap ang bagong batch ng mga RPWUDS

by PIO Lucena/Josa Cruzat July 2, 2021 CADAC Supervising Head Francia Malabanan LUCENA CITY - Malugod na tinanggap ng Lucena City Anti-Drug ...

by PIO Lucena/Josa Cruzat
July 2, 2021


Anti-drug abuse office, malugod na tinanggap ang bagong batch ng mga RPWUDS
CADAC Supervising Head Francia Malabanan




LUCENA CITY - Malugod na tinanggap ng Lucena City Anti-Drug Abuse Office sa pangunguna ni CADAC Supervising Head Francia Malabanan ang ikatlong batch ng mga Recovering Persons Who Used Drugs o RPWUDs na sasailalim sa programang Kanlungan ng Pagbabago.

Ang ikatlong batch na ito ay binubuo ng labing-apat na mga Lucenahin na siyang mga nagnanais ng magbagong buhay mula sa kanilang pagkakasangkot sa mga gawaing may kinalaman sa iligal na droga.



Sa pagbubukas ng Balay Silangan para sa mga ito, ay isang programa ang isinagawa upang ang mga ito ay pormal na tanggapin.

Ito ay pinasilidad ni Malabanan katuwang ang ilang mga konsernadong indibidwal sa lungsod na sila Executive Assistant at Youth Advocacy Ambassador Kuya Mark Alcala, DCOP PMaj. Clarence John Erese, Intelligence Officer 1 Jonathan Platon ng PDEA Quezon, at Kagawad Luisito San Pascual ng Barangay Dalahican.



Kaugnay nito ay nagbigay pananalita si Malaban hinggil sa mga isasakatuparang gawain ng mga RPWUDs sa loob ng Balay Silangan.

Aniya sa loob ng tatlumpung araw na pananatili nila sa naturang lugar ay sasailalim ang mga ito sa iba’t-ibang aktibidad kagaya ng moral recovery, physical fitness, skills o livelihood training.



Gayundin ang counseling, psycho therapy sessions, at maraming ibang mga nakahanay na gawain na siguradong magbibigay kaunlaran sa mga ito at gabay tungo sa pagtahak ng inaasam-asam na pagbabago.

Bago naman tuluyang opisyal na makapasok ang mga RPWUDs ay sumailalim muna ang mga ito sa covid-19 rapid test bilang pag-iingat na rin ng lahat laban sa naturang sakit at upang hindi magkaroon ng paglaganap nito.

Sa huli ay labis na inaasahan ng buong tanggapan ng CADAC gayundin ng lokal na pamahalaan na maging makabuluhan ang pagsasailalim ng labing-apat na mga Lucenahing nais na magbagong buhay sa naturang community based drug rehabilitation program at tuluyan ng makawala sa anumang uri ng gawain na may kinalaman sa ipinagbabawal na gamot.

Joint 2ndquarter meeting 2021 ng ilang tanggapan sa lungsod, isinagawa
by PIO Lucena/K.Monfero

Isinagawa kamakailan ang 2ndQuarter Joint meeting ng City Peace and Order Council, City Disaster Risk Reducation Management Council at City Anti-Drug Abuse Council sa pamamagitan ng zoom application.

Nasa halos mahigit 50 mga kawani ng lokal na pamahalaan at iba pang ahensya ang nakilahok sa nasabing pagpupulong.

Sa pamamagitan ni City Administrator Jun Alcala Jr. pinasimulan ang nasabing meeting sa isang mensahe kung saan inilahad nito na sana ay maging maingat pa rin ang bawat isa lalo na at nakapasailalim pa rin ang lungsod sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Matapos ang nasabing mensahe ay pormal nang binuksan ang pagpupulong at sinimulan ng Department of Interior and Local Government ang presentasyon para sa mga issue and concerns na kinaharap ng Lucena PNP, Bureau of Jail Management and Penology at Buearu of Fire Protection.

Sunod namang nagbigay ng kanilang presentasyon ang Lucena PNP na pinangunahan ni PLt. Col. Romulo Albacea ang tungkol sa kriminalidad, mga solusyon at accomplishment na kanilang nagawa mula noong mapasailalim ang lungsod sa Modified General Community Quarantine o MGCQ hanggang sa kasalukuyan na MECQ.

Ibinahagi naman ng hepe ng Triaffic Management Division na si Jaime De Mesa ang kabuuang bilang ng kanilang mga operasyon na isinagawa at isinasagawa, kabilang din sa mga ipinahayag nito ang bilang ng mga paglabag, lumabag at ang mga penalty na kaakibat nito.

Pinasalamatan naman ni Konsehal Amer Lacerna ang nabanggit na opisyal sa agarang pagtugon at pagsasaayos ng trapiko sa lungsod.

Sa bahagi naman ng mga COVID-19 updates, inilahad naman ni Incident Command Head Janet Gendrano ang mga hakbang na ginagawa ng buong Pamahalaang Panlungsod para malabanan ang nakahahawang sakit na Coronavirus disease 2019 o Covid-19.

At ipinakita rin ni FO3 Jan Vincent Alba ang datos ng kalalagayan ng Covid sa lungsod mula noong nakaraang taon ng 2020 hanggang sa kasalukuyan.

Kasabay nito, ipinapanood din ni Gendrano ang mga ginagawang aktibidad at operasyon ng iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan ngayong pandemya.

Pinakahuli namang nagbigay ng ulat ang CADAC head Francia Malabanan at PDEA Quezon Provincial Officer Noreen Bautista sa kalalagayan ng lungsod pagdating sa kaso ng illegal na droga, mga Recovering Persons Who Used Drugs at mga barangay na patuloy na apektado ng nasabing isyu.

Bilang panghuli, pinuri at pinasalamatan naman ni City Administrator Jun Alcala ang lahat ng mga kawani na nakiisa at nagbigay ng makabuluhang presentasyon sa kasalukuyang kalalagayan ng lungsod.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.