by Quezon – PIO July 3, 2021 LUCENA CITY - Ipinamahagi sa mga Lucenahin ang Assistance to Individual in Crisis Situation o AICS, 98 ang nagi...
July 3, 2021
LUCENA CITY - Ipinamahagi sa mga Lucenahin ang Assistance to Individual in Crisis Situation o AICS, 98 ang naging benepisaryo nito na nangailangan ng medical, burial at financial assistance sa gitna ng pagharap sa pandemya sa COVID-19.
Pinangunahan ni KALIPI Quezon President Atty. Joanna Suarez na kumatawan kay Governor Danilo E. Suarez kaisa sina Vice Governor Sam Nantes, 2nd District Board Member Yna Liwanag at Former Bokal Atty. Bong Talabong na ginanap sa Quezon Convention Center dito sa Lunsod nitong ika-2 ng Hulyo.
Sa mensahe ni Atty. Suarez kanyang ibinahagi ang paalala sa patuloy na pagiingat upang huwag mahawa ng covid-19 virus gayon din ang pagsunod sa mga minimum health protocol sa ating Probinsya habang sa pananalita nina Vice Governor Nantes, BM Liwanag at Former Bokal Atty. Talabong kanilang inihayag ang mga Programang Patuloy na tinutugunan sa ating Lalawigan sa pamumuno ni Governor Danny Suarez.
Tinataya namang nasa humigit kumulang P500,000.00 ang pondo na inilaan para sa pamamahagi ng assistance sa mga benepisyaryo sa inisyatibo ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare Development (PSWD) aics program.
Kasabay nito ay nagkaloob din ng Sustainable Livelihood Program (SLP) para sa mga kababayan natin sa bayan ng Sariaya na may higit sa dalawang daan ang recipient ng naturang assistance habang nasa 340 namang mga Lucenahin ang tumanggap ng nabanggit na tulong na nagkakahalaga ng P5,000 kada benepisyaryo na silang mga naapektuhan ang kabuhayan o maliliit na negosyo dahil sa pandemya.
Naisakatuparan ang tulong na ito sa inisyatibo ng tanggapan ni Cong. David “Jay-Jay” Suarez at Department of Social Welfare and Development (DSWD Regional Office) at dinaluhan ang aktibidad na ito sa pangunguna ni Atty. Joanna Suarez kaisa sina Vice Governor Sam Nantes, BM Yna Liwanag, dating Bokal Atty. Bong Talabong, Lucena City Administrator Anacleto “Jun” Alcala at Cong. Jayjay Suarez Chief of Staff Diony Rodolfa.
Samantala tinanggap naman ni Quezon Medical Center Chief of Hospital Dr. Rolando Padre ang mga donasyong Personal Protective Equipment (PPEs) at mga medical supplies mula sa mga Department Heads ng Provincial Government na kaloob para sa mga healthcare workers / medical workers na silang frontliners sa nabanggit na pagamutan.
Sa ngayon ay patuloy naman ang mga programa, serbisyo at proyektong tugon ng Pamahalaang Panlalawigan sa iba’t-ibang sektor ng ating Probinsya sa kabila ng patuloy na paglaban sa banta ng COVID-19.
No comments