Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Ilang mga opisyales ng barangay sa lungsod nabiktima ng fake food delivery bookings

by Lucena/Josa Cruzat July 10, 2021 LUCENA CITY - Kamakailan lamang ay isa na namang opisyal ng barangay sa lungsod ng Lucena ang nabiktima ...

by Lucena/Josa Cruzat
July 10, 2021



Ilang mga opisyales ng barangay sa lungsod nabiktima ng fake food delivery bookings




LUCENA CITY - Kamakailan lamang ay isa na namang opisyal ng barangay sa lungsod ng Lucena ang nabiktima ng fake food delivery booking.

Sa facebook post ni Brgy. Gulang-Gulang SK Chairperson Janella De Mesa, may dumating aniyang dalawang food delivery rider sa barangay hall upang iabot ang sinasabing order ni Kapitan Narfil Abrencillo mula sa isang fastfood outlet.



Ang naturang mga food items ay nagkakahalaga ng kulang-kulang dalawang libong piso sa kabuuan.

Giit ni De Mesa, ito aniya ay maituturing na fake booking, isang modus na kung saan ay ipinapangalan at ini-aaddress sa ibang tao ang mga pagkaing inorder.



Paliwanag nito, malabong ang punong barangay ang umorder ng mga pagkain dahil hindi naman aniya marunong itong gumamit ng mga delivery services application.

Batid naman ng mga staff sa barangay hall ang hirap at kagipitan ng mga riders kaya minabuti na lamang ng mga ito na kunin at bayaran ang kaukulang halaga bilang tulong at pagmamalasakit sa mga ito.



Magugunitang hindi lamang ito ang unang pagkakataon na mabiktama ng naturang scam ang ilang mga barangay officials sa lungsod.

Nitong nakaraang buwan ay nakatanggap din ng food items ang mga opisyales ng Barangay Uno sa ilalim ng pangalan ni Kapitana Herminia Abuel kahit wala naman ni-isa sa mga ito ang nag-order sa anumang delivery applications na kinalaunan ay binayaran na rin ng mga ito.

Gayundin ang sinapit ni Kapitana Filipina Flancia ng Barangay 9 na siyang nabiktima rin ng food delivery na hindi naman nito inorder.

Kaugnay nito, iisa lamang ang hiling ng mga naging biktima na sana anila ay hindi na ulit mangyari sa sinuman ang ganitong uri ng modus dahil bukod sa nakakaabala ito sa mga biktima dahil hindi naman palagian ay may hawak na pera, ay napeperwisyo rin ang hanapbuhay ng mga delivery riders.

Mangibabaw sana anila ang respeto at disiplina ng mga taong nasa likod ng scam ng sa gayon ay hindi na muling maulit ito at wala ng kahit sino pa man na residente sa Lungsod ang mabiktima nito. 

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.