by PIO Lucena/EJ Bagnes July 3, 2021 Agriculturist 1 Jocelyn Guinto, kasama ang ibang pang mga tauhan ng City Agriculture na sina Mia Lyn Og...
July 3, 2021
Agriculturist 1 Jocelyn Guinto, kasama ang ibang pang mga tauhan ng City Agriculture na sina Mia Lyn Ogana at Rosette Marasigan na pawang mga Agriculturist Techologist. |
LUCENA CITY - Patuloy na isinasakatuparan ng pamahalaang panlungsod ang pagtulong sa mga Lucenahin sa pamamagitan ng Livelihood Project ng City Agriculturist Office.
Kamakialan ay isinagawa ng mga tauhan ng City Agriculturist Office ang Dishwashing Liquid Making para sa mga kababaihan na bahagi ng sektor ng agrikultura o Rural Improvement Club (RIC) ng Barangay Silangan Mayao.
Pinangunahan na Agriculturist 1 Jocelyn Guinto, ang pagtuturo at paggawa ng mga naturang diswashing liquid kung saan ay nakasama rin nito ang ibang pang mga tauhan ng City Agriculture na sina Mia Lyn Ogana at Rosette Marasigan na pawang mga Agriculturist Techologist.
Layunin ng aktibidad na ito na magkaroon ng mga pagkakakitaan ang mga kababaihan ng nasabing samahan gayundin ay magkaroon ang mga ito ng dagdag kaalaman na maari nilang ibahagi sa kapwa nila na mga nagnanais gumawa ng dishwashing liquid.
Patuloy lamang anila ang City Agriculturist Office sa pangunguna ni City Agriculturist Officer Mellissa Letargo sa paggawa ng mga Livelihood Project sa ibat-ibang lugar sa Lungsod upang maalalayan ang mga Lucenahin ngayon patuloy na humaharap sa pandaigdigan krisis pang-kalusugan.
Ipinapaabot naman ni Mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala na kaisa siya sa anumang mga programa ang nabanggit na tanggapan na tunay na magbibigay ng mga tulong sa mga Lucenahin lalo’t higit sa sektor ng agrikultura.
Lubos naman ang naging pasasalamat ng mga nakiisang kababaihan ng Esperanza’s Home Ministry Inc. sa pagkakaloob ng magandang programa ng lokal na pamahalaan na na siyang magiging daan upang makamit ang pag-unlad ng mamamayan ng Lungsod.
No comments