by PIO Lucena/Josa Cruzat July 31, 2021 Tumanggap kamakailan ang Lucena City Fire Station sa pangunguna ni City Fire Director FCINP Orlando ...
July 31, 2021
Tumanggap kamakailan ang Lucena City Fire Station sa pangunguna ni City Fire Director FCINP Orlando Antonio ng Safety Seal Certification. (Photo courtesy: Lucena City Fire Station FB Page) |
LUCENA CITY - Tumanggap kamakailan ang Lucena City Fire Station sa pangunguna ni City Fire Director FCINP Orlando Antonio ng Safety Seal Certification.
Ang naturang sertipiko ay iginawad ng Department of the Interior and Local Government ng lungsod sa pamamagitan ni City Director Engr. Danilo Nobleza sa isinagawang maikling programa na ginanap mismo sa fire station.
Sa nabanggit na programa ay dito binigyang diin ng DILG na ang Kawanihan ng Pagtatanggol sa Sunog ng lungsod ay maigting na sumusunod sa iniaatas ng pamahalaan na minimum public health standards na siyang isa sa basehan ng paggawad ng sertipiko.
Gayundin ay mariing sumusunod ang kawanihan sa programa ng nasyunal na pamahalaan na pagpapabilis ng proseso ng contact tracing sa pamamagitan ng paggamit nito ng staysafe.ph sa kanilang istasyon.
Matapos ang maikling pananalita ni Nobleza ay pormal namang tinanggap ng City Fire Director ang safety seal certification dito na siyang sinundan naman ng paglalagay ng safety seal sticker sa istasyon na siyang pinangunahan din ng mga ito.
Samantala sa naturang paggawad naman ng sertipiko ay siniguro ng mga nanguna rito ang pagtalima parin sa atas na health protocols ng Department of Health at Inter-Agency Task Force For The Management Of Emerging Infectious Diseases.
Sa huli ay siniguro ng kawanihan sa pangunguna ni Antonio na magpapatuloy ang mahigpit na pagtalima ng mga ito sa naturang atas sa hangarin na mapangalagaan ng mga ito ang kaligtasan ng kalusugan ng mga personnel upang magtuloy-tuloy din ang kanilang pagbibigay serbisyo sa publiko.
No comments