Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Lupon tagapamayapa ng Barangay Marketview nagwagi sa LTIA 2021 Regional Level

by PIO Lucena/Josa Cruzat July 23, 2021 Kapitan Edwin Napule (File Photo) LUCENA CITY - Muling kinilala ang Lupon Tagapamayapa ng Barangay M...

by PIO Lucena/Josa Cruzat
July 23, 2021


Lupon tagapamayapa ng Barangay Marketview nagwagi sa LTIA 2021 Regional Level
Kapitan Edwin Napule (File Photo)




LUCENA CITY - Muling kinilala ang Lupon Tagapamayapa ng Barangay Marketview sa Regional Level ng Lupon Tagapamayapa Incentives Awards 2021.

Dito ay muling pinatunayan ng naturang lupon ang mahusay na pagpapatakbo ng kanilang Katarungang Pambarangay kaya naman ito ay tinanghal na kampyon sa kategoryang Highly Urbanized City sa naturang paggawad.



Kaugnay nito buong kagalakang ipinagmamalaki ng Pamahalaang Pambarangay sa pangunguna ni Kapitan Edwin Napule ang patas at walang kinikilingang sistemang pangkatarungan ng barangay.

Ang muling paggawad na ito ay nagpapakita lamang ng epektibo at organisadong lupon tagapamayapa sa usapin ng tamang pagbabalangkas ng mga hakbang at pamamaraan sa pag-settle ng mga reklamo na siyang nagbibigay daan sa kahusayan nito sa pagsulong ng katarungan.



Magiging daan at lakas din ng barangay ang patuloy na pagsungkit nito sa naturang parangal upang maipagpatuloy ng lupon ang maayos na pagpapatakbo ng Katarungang Pambarangay gayundin sa maigting na ebalwasyon at pagpaplano na kanilang isinasagawa sa bawat buwanang pagpupulong.

Magugunitang nasungkit din ng Lupon Tagapamayapa ng Barangay Marketview ang kaparehong parangal sa regional level noong taong 2018, kampyon sa lokal na LTIA simula 2014 hanggang 2021, at hinirang na Hall of Famer sa buong lungsod noong taong 2020.



Samantala, kinikilala ng Department of the Interior and Local Government at Department of Justice sa pamamagitan ng naturang paggawad ang mga barangay na may pinakamagaling na programa hinggil sa Barangay Justice System gayundin ay upang palakasin ang mga Lupon Tagapamayapa sa buong bansa.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.