Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

MGEN Bob Baccarro pinasalamatan ang 1st Infantry Battalion Phil Army sa kontribusyon upang mapanatili ang kapayapaan sa mga nasasakupang bayan nito

by Lyndon Gonzales July 24, 2021 Kanan Major General Bartolome Baccarro 2ID Commander Phil Army, kanan LTC Jesus Diocton 1st Infantry Battal...

by Lyndon Gonzales
July 24, 2021


MGEN Bob Baccarro pinasalamatan ang 1st Infantry Battalion Phil Army sa kontribusyon upang mapanatili ang kapayapaan sa mga nasasakupang bayan nito
Kanan Major General Bartolome Baccarro 2ID Commander Phil Army, kanan LTC Jesus Diocton 1st Infantry Battalion Commander.


INFANTA, Quezon- Ika-13 ng Hulyo taong kasalukuyan, muling dinalaw ni Major General Bartolome Vicente O Bacarro, Commanding General ng 2nd Infantry (Jungle Fighter) Division, Philippine Army ang himpilan ng 1st Infantry (Always First) Battalion upang batiin at pasalamatan ang mga ito sa mga kontribusyon upang mapanatili ang kapayapaan sa mga nasasakupang bayan nito.

Binati ni Major General Bacarro ang mga kasundaluhan ng 1st Infantry (Always First) Battalion, Philippine Army sa ipinamalas nitong pagsisikap na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa mga bayang sakop nito.



Ipineresenta at pinangunahan ni Lieutenant Colonel Jesus T Diocton, Commanding Officer ng nasabing unit ang mga matataas na kalibre ng armas at pampasabog na narekober at isinuko ng mga rebeldeng NPA at mga mamamayan sa ating mga kasundaluhan.

Ito ay bunga ng matagumpay na pagsulong ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) at ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na nakahiyat sa mga mamayan at mga rebelde na makipag-tulungan sa ating pamahalaan na matudlukan na ang karahasan at panglilinlang ng mga teroristang grupong ito at makamit na natin ang tunay na diwa ng kapayapaan sa ating bansa.



Lubos ang pasasalamat ni Major General Bacarro sa ating mga kasundaluhan ng 1st Infantry (Always First) Battalion sa pagtalima at suporta bilang Commanding General ng 2nd Infantry (Jungle Fighter) Division sa ilalim ng kanyang pamumuno.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.