Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Microchips, COVID-19 at paglaya

by Henry Buzar July 10, 2021 Marami pa rin ang naniniwala na ang bakuna laban sa Covid-19 ay dinisenyo ng bilyonaryong si Gates upang maturu...

by Henry Buzar
July 10, 2021



Microchips, COVID-19 at paglaya




Marami pa rin ang naniniwala na ang bakuna laban sa Covid-19 ay dinisenyo ng bilyonaryong si Gates upang maturukan ng microchips (isang unit ng nakabalot na computer circuitry o IC - integrated circuit na pwedeng padaanin sa butas ng karayom ng heringilya) ang mga tao at makontrol sila sa pamamagitan ng nakatagong mga mensahe at matupad ang sinasaad sa Biblia sa ilalim ng Revelation na tinawag na “marka ng hayop.”

Karamihan sa mga napaniwala dito ay ang mga masisigasig na organisasyon ng mga Fundamental Christians na Biblia lamang ang pinagbabasehan ng kanilang buong aral. Ito naman ay pinulot at niyakap kakaagad ng mga laban sa bakuna at kalaunan ay politikal na mga grupo katulad ng QAnon na sumusuporta kay Donald Trump na ngayon ay kanilang dinidiyos.



Ano ba ang basehan at nagamit ang mga talata sa Revelation na minsan at tinatawag na Apocalypse. Ang revelation sa tagalog ay pagpapahayag. Kung ang pagpapahayag ay kalinya ng mga pangaral ni Jesus na kalimitan ay bumabati ng “sumaiyo ang kapayapaan,” mukhang lisya itong pagpapahayag, sapagkat hanggang sa ngayon, walang buhay na tao ang makakapagpaliwanag kung ano ba ang mga magulong pangitain ng Apostol na si John sa nasabing aklat.

Sa pag-inog ng mga oras at araw na maraming mga nabukanahang mga puti sa America at sa UK, bumanaag ang panibagong araw at muling nakalaya ang mga tao sa pagkaka-alipin sa “lockdown, face mask, at social distancing.” Punong puno ang mga stadium at mga sinehan, kumikita na muli ang mga airlines at mga restaurant. Buhay na muli ang mga negosyo.



Samantalang ang mga naniniwala na tuturukan sila ng mga microchips ay maaaring mahantad kay Covid at sa kaniyang mga kabig na bagong strains hanggat hindi sila namamarkahan ng sinasabi nilang “mark of the beast.” Habang nagninilay sila, marami namang bukas ang isipan sa siyensiya ang nagdiriwang at nakalaya muli upang ituloy ang naantalang kalalagayan dahil kay Covid.

Walang rason na ikonekta ang nanotechnology sa isang konteksto na isinulat 2 libong taon na ang nakalilipas. Mas lalong walang rason na umiwas ka sa bakuna sa kadahilanang pinapalagay mo na ikamamamaty mo o ikabubulid mo sa impiyerno ang pagpapaturok dito gayong parehas ng kemikal na komposisyon ang iyong kinasusuklaman ngayon ay isa ng tableta na pwede mo na lang lunokin kaysa iturok sa iyo.



Sa pagkonekta ng rebelasyon sa mga teorya ng sabwatan, pagiisip ng paghihiganti, na kung saan malubhang itinuring na walang basehan ng ilang mga ama ng Kristiyanismo, at malapit sa kriminal na pag-uugali dahil ito ay maaaring humantong sa pagkamatay ng hindi bababa sa libu-libong mga tao na naniniwala na ang bakuna ay hindi sagot sa pagpigil kay Covid. Huwag naman sanang dumating sa punto na ikaw na lamang ang natirang tao na nakahiwalay, solo, malungkot at takot na baka mahawa ka ni Covid kung lumabas at lalabas ka sa iyong paraisong parisukat.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.