by PIO Lucena/EJ Bagnes July 18, 2021 Orientation ng mga bagong batch Government Internship Program o GIP. (Photo from PESO Lucena) LUCENA...
July 18, 2021
Orientation ng mga bagong batch Government Internship Program o GIP. (Photo from PESO Lucena) |
LUCENA CITY - Matagumpay ang naging orientation ng mga bagong batch Government Internship Program o GIP ng Pamahalaang Panlungsod na isinagawa kamakailan sa Operation Center ng Lucena City Disaster Risk Reduction Management Office.
Ang nasabing oryentasyon ay pinangunahan ng mga tauhan ng Public Employment Service Office sa pangunguna ng hepe nito na si Cristina Encina kasama ang naging panauhin na si Ms. Mylanie Rea, Labor Employment Officer ng DOLE Provincial Office.
Layunin ng programang ito na matulungan ang mga newly graduates ng Lungsod na makapagtrabaho at makapagsanay sa pamamagitan ng Government Intership Program.
Sa naging pananalita ng DOLE Provincial Officer na si Rea, ipinaliwanag nito ang ilang mga guidelines at objectives ng DOLE upang malaman ng mga GIP ang kanilang magiging tungkulin sa oras na magsimula na sila ng pagtatrabaho.
Ibinahagi naman ni Encina, na kung saan mang opisina o tanggapan mailalagay ay pagbutihin ang kanilang trabaho dahil maaring ang internship program na ito ay maging daan at magbukas ng maraming oportunidad para sa mga GIP.
Ipinapaabot din nito ang pagbati sa ama ng Lungsod Roderick ‘Dondon’ Alcala gayundin kay DOLE Secretary Silvestre Bello III sa walang sawang pagtulong at pagbibigay ng magagandang programa para sa mamamayang Lucenahin.
Kung matatandaan, ang mga bagong batch ng GIP ang unang batch sa 26 milyon pesos na pondong na ipinagkaloob ng DOLE sa Lungsod ng Lucena.
Samantala, aabot naman sa mahigit 240 bagong batch ng GIP ang magtatrabaho ng 6 na buwan sa lokal pamahalaan at maging sa mga nasyunal na ahensya ng gobyerno.
No comments